Last Chapter

33 2 0
                                    

KANINA PA PAROO'T PARITO ang lakad ni Andrea habang naghihintay sa hudyat ng pagsisimula ng selebrasyon.

Kung anu-ano na ang pumapasok sa kanyang isipan.

Naroon na ang imposibleng pagtatagpo ng landas nila ni Frederick.

Napaigtad pa ang dalaga ng may kumatok.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya pagkatapos ay pinakalma niya ang sarili saka tinungo ang pinto.

Napagbuksan niya si Andrei.

ANDREI: "Ready?"

Tumango lang si Andrea bilang sagot.

ANDREI: "Let's go..."

Tinawag na rin niya si Iza. Lumapit naman ang huli karga si baby Fei.

Kinarga ni Andrea ang kanyak anak.

ANDREA: "Sumabay ka na sa amin, Yaya."

IZA: "Sige po, senyorita."

Nauna na silang lumabas, sumunod naman si Iza.

Marami-rami na ang tao ng nakababa sila at naghihintay na rin ang kanilang ama at ina.

Nang nakita na silang magkapatid ay nagsalita na ang Don.

DON ENRICO: "Our beloved friends, Business partners,  employees— Ladies and Gentlemen, Thank you for being with us tonight. We are all here to celebrate the 50th anniversary of Segovia Enterprises, Welcome everyOne, and we hope that you'll all enjoy."

Masigabong palakpakan ang umalingawngaw pagkatapos magsalita ni Don Enrico.

KAKATAPOS lamang kausapin ni Frederick ang kanyang mga magulang. Kanina pa siya dumating subalit nagdalawang-isip siyang pumasok.

Nataon namang tumawag ang kanyang ina, to check on him.

Kinakabahan ang pakiramdam niya. Hindi niya maintindihan kung bakit. Ilang minuto pa ang pinalipas niya bago bumaba mula sa sasakyan at nagpasya ng pumasok.

Kaagad naman siyang pinapasok ng guard dahil may invitation card naman siyang dala.

HABANG hinihintay na dumating ang iba pang mga bisita ay nagpaalam si Andrea.

ANDREA: "Jan, pakikarga mo muna si Fei, I need to go to the comfort room."

JANICE: "Okay. Come to Tita baby…"

Nagmadali na umalis si Andrea matapos makuha ni Janice si Fei, dahil ihing-ihi na siya.

Pagkatalikod ni Andrea ay siya namang pagdating ni Frederick. Hinanap nito kung saan banda naroon ang mga Segovia.

He felt so disappointed when he saw them, but not Andrea. But the baby that a woman is holding captured his attention.

Nahihiya man, subalit lumapit parin sa kanila.

Una siyang nakita ni Donya Anita.

DONYA ANITA: "Oh, hijo, you're here. Where's your mama and Papa?"

FREDERICK: "Good evening po, hindi po sila makakarating dahil may importantr silang lakad sa Palawan— kaya ako na lang pinapunta nila rito."

DONYA ANITA: "Ganoon ba? Okay hijo, thank you for coming."

Nais sanang itanong ni Frederick kung nasan si Andrea, subalit mas nangibabaw ang hiya sa kanya.

But there's someone really captured his attention mula pa lamang kanina. Ang baby na pinanggigigilan ng isang babae.

Hindi na siya nakapigil pa dahil may nag-udyok sa kanya na magsalita.

All Romance StoriesWhere stories live. Discover now