A Perfect Mistake

15 5 1
                                    

CHAPTER SEVEN

MULA SA OPISINA ni Attorney Ibarra.  Dumiritso na si Manuel doon sa basement nitong building kung saan ang parking lot.  Nasa tapat  na siya ng kotse niya ay ‘agad siya pumasok sa loob niyon.  pinagana niya ang makina ng sasakyan.  Pinaharorot na umalis sa IG Tower.

Habang nasa byahe ay hindi pa rin niya maiwasan ang di mapapaisip sa pinag-usapan nila ni Attorney Ibarra.  Walang foul play nangyari sa pagkamatay ni  Franco Madrigal,  ayon sa report ng medico legal ay suicide ang nangyari. 

Ngunit hindi lingid sa kaalaman niya na may mga utang si Franco dahil sa nalulong ito sa sugal.

Masakit na rin ang kanyang ulo sa kakaisip. 

“Ito na ba ang sinasabi mo,  Franco?” mahinang usal niya sa kanyang sarili.

Malaki ang utang na loob ni Manuel sa kay Franco Madrigal. Minsan nang niligtas ni Franco ang buhay niya.  He meet car accident at nang mga oras na iyon ay si Franco Madrigal ang sumagip sa kanyang buhay,  si Franco rin ang naging blood donor niya ng operahan siya at kailanganin niya ng dugo.  Nagkataon na parehas ang kanilang blood type.  Franco’s blood running on his vain.  Simula nangyari ang trahedya ng iyon sa kanyang buhay ay pangako niya sa kay Franco na sakaling kailangan din nito ang tulong niya ay gagawin niya kahit na buhay pa niya ang magiging kapalit.  Tinawanan lamang iyon ni Franco.

Huminto sa gilid ng kalsada ang kotse minamaneho ni Manuel.  Isinandal niya ang kanyang ulo sa headrest ng upuan. Pumikit ang kanyang mga mata,  hinilot ang sintido komon niya na sumasakit iyon dahil sa mga bumabagabag sa kanyang loob.  Paano niya sasabihin sa kay Yza ang tungkol sa pagkamatay ni Franco Madrigal.  Siguradong masasaktan ang dalaga sa pagkawala ng kinikilalang ama nito.

Hindi niya rin hahayaan na makabalik si Yza sa tahanan ng mga magulang.  Dahil nasa panganib ang buhay ng dalaga.  Hindi niya kilala ang mga taong pinagkautangan ni Franco sa pagsusugal nito. Kailangan niyang ilayo si Yza mula sa magulong lugar na ‘to.  Alang-alang sa sariling kaligtasan ng dalaga.

Humogot siya ng malalim na hininga.  Pagkatapos kaagad niya rin iyon pinakawalan.  Tandang-tanda pa niya ang huling pagkikita’t pagkakausap nila ni Franco,  sa loob mismo ng kanyang opisina. Hindi magbabyahe ng malayo at ilang oras kung hindi mahalaga ang kailangan nito sa kanya para lang sadyain.

Magkakasunod na mga katok doon sa dahon ng pinto ang napaangat sa mukha niya mula sa katambak na mga papelis at forpolio,  idagdag pa ang blueprint na kailangan niyang pag-aralan iyon.

Engineer Manuel Sebastian,  isa sa pinakamahusay na engineer,  dito sa lungsod ng Iloilo.  Kadalasan ang serbisyo niya ang kinukuha saan man sulok ng bansa.

Hindi niya kaagad namukhaan ang lalaking nakatayo sa bungad ng pinto.  May bitbit itong malaking bag na kulay itim.

“Titigan mo lang ba ako boy? Or else I'm not a welcome here?” Seryoso ang facial expression sa mukha nito.

Napangiti si Manuel,  tumayo na rin mula sa swivel chair na inuupuan niya. “Franco?” Aniya sa boses na parang nanghuhula at hindi sigurado kung si Franco nga ba ang nandito sa opisina niya.  “Please,  come in.”

Malaki ang binagsak ng katawan ni Franco.  Mahaba na rin ang buhok nito at balbas sarado na rin.  Ngunit ang tindig nito na animo’y katulad sa tigree ay gan’on pa rin.

Nakangisi si Franco na naglalakad palapit dito sa gilid ng lamesa ni Manuel. Inilapag sa marmol na sahig ang dala-dala nitong bag.

“I thought,  nakalimutan mo na ako.” Nakataas ang isang kilay turan ni Franco.

Literal napakamot siya sa sariling batok. “Im sorry,  hindi kita nakilala ‘agad. It's been a longtime then” May alanganin ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi. Hinagod ng tingin si Franco. “Have a seat,  please.”

All Romance StoriesWhere stories live. Discover now