BEEP CARD

3.2K 38 0
                                    

"Arriving at Santolan Station, this train is up to Recto Station. Paparating na sa Santolan Station, ang tren na ito ay hanggang sa Recto."

Bumilis ng bahagya ang usad ng tren kung kaya't na out of balance ang mga nakatayong pasahero.

Maya-maya pa ay may isang ticket (Beep Card) na nahulog sa paahan ko. At dahil sa mas madali kong makukuha ito, hindi na ako nagpaalam pa at agad na yumuko para abutin ito ngunit kasabay naman nito ay ang pagyuko din ng nagmamay-ari ng malinis na puting sapatos.

Ang ending tuloy ay nagkabunggo ang mga ulo namin.

"Aww..." Pag inda ko sabay tingin sa kaniya na siya ring nakatingin na pala saakin.

Makinang na salamin sa mga mata ang agad na bumungad saakin.

"Sorry." Maikli ngunit sincere niyang saad.

Tumango nalang ako at muling umayos ng pagkakaupo, siya naman ay hinayaan kong kumuha sa nahulog na ticket na mukhang sa kaniya din.

Sa pagbukas ng pinto ng tren ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya habang hinihimas ang ulo kong nauntog.

And shit!!

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now