DANI

912 16 0
                                    

(Trigger Warning: suicidal)

Ding dong!

This is it na.

Araw na na ng pagkikita namin ni Yvo para panoorin yung kaibigan niya maglaro. Nakaayos na ako, pero di pa kumakain. Gusto ko kasi kasabay siya. Sakto namang nasa labas na siya ng pinto ko at nagdo-doorbell.

Pinagbuksan ko siya, at nang tumambad na ang matipuno niyang katawan sa harap ko agad akong tumalikod para mag-iwas tingin.

"G-goodmorning... Pasok ka" sinabi ko iyon ng hindi siya nililingon at tumungo na sa hapag kainan.

Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa likod ko. Amoy na amoy ko din yung pabango niyang naging paborito kona.

Pag-upo ko umupo nadin siya sa harap ko. Di ko na tuloy maiwasan tumingin sa kaniya.

Fit ang suit niyang top today so bakas talaga yung mga muscle niya. Pero nakita kong may bitbit naman siyang hoodie di niya lang sinuot. Gagamitin niya siguro yun mamaya.

'Aba dapat lang noh! Kung mananatili siyang ganito for sure pagtitinginan siya ng mga tao lalo na mga babae!'

Di ako makakapayag.

Take note. Nagsuot siya ng ganito habang hindi pa ako nakakaget over sa ginawa niya kagabi. Ano nalang mgagiging reaksyon ko? Akala niya ba makakaya kong manatiling normal pag ganto? Baka bigla ko nalang siya makiss mamaya huhu.

Oops! Bawal yaaan.

"How's you sleep?" Tanong niya.

Bhe kung alam mo lang na hindi ako nakatulog dahil sa pagpapakilig mo.

"Hmm... Maayos naman. Ikaw ba?" act normal malala.

"I didn't get enough sleep, I was so excited kasi to see you." Tumingin siya sa pagkain at pinaglaruan iyon. Bahagya pang namula ang tainga niya.

We were so busy kaya malimit lang ang pagkikita namin. But we understand each other naman kaya it's okay. Pero syempre hindi maiiwasan na mamiss ang isat-isa.

"To be honest, ako din. Namiss kasi kita. Kaya sulitin natin yung araw nato. Mas lalo tayong magiging busy sa mga susunod na araw eh."

Nag-angat siya ng tingin sakin at nginitian ako ng matamis. Pak, tiklop nanaman Ash niyo.

After namin kumain, gumayak narin kami sa venue ng laban. Bumili din muna kami sa mcdo para may nginunguya kami habang nanonood.

Pagdating ay madami ng mga tao pero di pa naman nagsisimula ang laban. Nag wawarm-up palang sila kung hindi ako nagkakamali.

"Sino diyan yung kaibigan mo?" tanong ko ng makaupo kami at hindi inaalis ang mata sa mga manlalaro.

"Number 4 ng ateneo. Lusanta, pero Daniela pangalan niya. You can call her Dani." Agad ko namang tinanaw ang tinutukoy niya.

Wow, ang tangkad. Kayumanggi ang kulay niya dahil sa babad sa araw, pero makikita mo ang hubog at muscles sa katawan niya.

"Architecture and same year kayo." dagdag niya pa. Paglingon ko sa kaniya ay nakatingin nadin siya sa taong pinag-uusapan namin.

"Pano kayo nagkakilala?"

"Hmm... Actually dahil sa parents ko kaya ko siya nakilala. She tried to take her life before kasi. I was on grade 12 palang non kaya wala pa akong alam sa medisina, but both of my parents were licensed doctors."

Mariin akong nakinig habang pinapanood ang pagdaan-daan ng lungkot sa mga mata niya. Di parin nilalayo ang tingin kay Dani.

"Nakatambay ako sa office nila sa hospital after class, uuwi narin sana kasi kami non but then a nurse hurriedly search for my mom. A mother took their unconscious daughter to the emergency room. That was Dani."

"Busy na ang ibang mga doctor kaya si Mommy ang nilapitan ng nurse. Sumunod ako kay Mommy non habang pinupuntahan ang pasyente, doon nakita ko ang matinding pagdurugo sa palapulsuhan ng babae."

"Her mom was crying so hard too. Naaawa and at the same time nagagalit ako kay Dani nun. Kaya ipinangako ko na sa oras na dumilat siya, sesermonan ko talaga siya ng matindi. Sakto pa na after gamutin ni Mommy si Dani kinausap niya ako. She wants me to be friend with that girl, kilala niya pala ang mother nito."

"Since I have plans in my head naman na, hindi na niya ako kailangan sabihan non. Dahil gagawin at gagawin ko yon." Finally he turned his head to me. "At first she does not want me to be her friend, but I pursued her. Ever since then I take good care of her na."

"We suggested na kami na ang bahalang magpa-aral sa kaniya, may problema din kasi sila sa financial pero mariin siyang tumanggi. Instead, she worked at my mom's bar as a bartender and applied scholarship with the help of her being a good athlete." he looked at me sweetly.

"Para ko na siyang kapatid, Ash. She is a good and funny person, for sure magkakasundo kayo." Ngumiti at tumango ako sa kaniya.

Naaawa din ako kay Dani.

At natutuwa naman kay Yvo kasi mas lalo niyang napatunayan ang pagiging pusong mamon niya.

Napaka swerte ng mga taong nakapalibot sa kaniya. Napaka swerte ng mundo dahil may isang Yvo na nage-exist.

A few minutes later, nagsimula narin ang laro. Nakita ko pa ang bahagyang pagsulyap samin ni Dani habang nag susuot ng helmet sabay ngiti. Kinawayan siya ni Yvo kaya ganon nadin ang ginawa ko.

Feeling close naman ako as always.

Habang nanonood ay totoo ngang magaling maglaro si Dani. Ilang beses siyang naka score at nakapag out ng kalaban kaya ang ending nanalo sila. With a score of 3-8.

Bilib din ako sa mga stamina nila eh, ang haba kaya ng innings nila. Kung akk siguro nandiyan kanina pa ako hinamatay.

Naglakad siya palapit saamin bitbit ang towel at Gatorade niya.

Bago pa man tuluyang makalapit, bumulong sa tenga ko sa Yvo na isekreto ang mga sinabi niya saakin. Ayaw na daw kasi maalala ni Dani ang tungkol don. Tumango naman ako at nangako.

"Hi! Buti nakapunta kayo." Salubong niya saamin. Ang bubbly ng smile niya, nakakahawa.

"Yup, As promised. By the way, this is Ashryfah--"

"I know i know, lagi mong kwinekwento yan eh. Huhu hello po, ang ganda-ganda niyo baka naman gusto mo pang baguhin yang isip mo at ako nalang ang piliin kesa kay Val?" She shakes my hand while saying it.

Natawa naman ako.

"Why not?" pagpatong ko sa biro niya. Sabay naman naming pinanood ang nakakatawang ekspresyon ni Yvo. Itinago niya pa ako likod niya na parang pinoprotektahan mula kay Dani.

"Huwag kana, dami-dami mo ng chix sa ateneo. Akin nato eh." parang batang sabi ni Yvo.

"Che! Oo na sayo na. Harap mo na siya dito."

"Huwag na rin. Mag-usap nalang kayo ng ganito."

"Awitt yan. Napaka damot hmp!"

BWAHAHAHHAHAHA ang kukyuttt.

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now