YVONNE AND JUDIELLENE

892 13 0
                                    

Pagpasok palang namin ay sobrang ingay na ng sumalubong. Ang daming tao.

"Tara don tayo." Iginayak kami ni Dani sa isang pwesto kung saan may dalawang babae lang ang nakaupo.

Habang papunta doon ay ilang beses kaming huminto dahil sa dami ng humihigit at bumabati kay Dani. Teammates and friends of friends kasi ang mga pumunta para sa celebration kaya napaka dami talaga.

"Daniii! Congrats!!! Ang galing niyo, lalo kana!" Sumisigaw na pagbati ng isang babaeng mas maliit lang ng konti kay Dani nang maabot na nga namin yung pwesto.

"Huhu thank you! Chamba lang naman yung akin!"

"Suus, pahamble pa!" Yung isang babaeng mas matangkad kay Dani naman ang sumagot.

Maya-maya pa ay lumiko na ang tingin nila saamin. Nanlaki din ang mga mata nila ng makita si Yvo.

"Valentine!! Himala nagpakita kana!! Tagal ka namin di nakita ah!" Saad nung medyo maliit.

"May pinagkakaabalahan lang!" Malakas na sagot din ni Yvo upang magkarinigan sila.

Lakas kasi ng tugtog ng Dj.

Pawang binati ni Yvo ang dalawang babae. Mukhang close din siya sa mga ito.

"By the way, this is Ashryfah. Girlfriend ni Val, and this is Sarah kaibigan ni Ash!" Pagpapakilala ni Dani samin.

"May girlfriend kana, Val?! Kelan pa?! Kingina mo dika nagsasabi samin!" Ani nanaman nung maliit.

"Saka nako magkukwento!"

"Psh!"

"Ito naman si Judiellene kaibigan din namin!" Turo ni Dani sa mas matangkad sa kaniya. "Tas ito pinsan ni Val, si Yvonne!." Patukoy naman niya don sa mas maliit.

So pinsan pala ni Yvo yuuunnn. Kaya pala ganon lang din sila ka close.

Kinamayan namin ang isat-isa at nakipag usap na nga. Masaya din sila kasama, maingay si Yvonne kagaya ni Dani tapos minsan naman magsalita si Judiellene.

Nagiinuman sila maliban samin ni Yvo. Nanonood at nakikitawa lang kami sa kanila.

Hindi ko naman pinipigilan uminom si Yvo, pero sabi niya hahatid padaw niya kasi kami. Tyaka ayaw niya din talaga tumikim.

Pagkalipas ng ilang oras, humahataw na si Sarah sa dance floor kasama si Dani. Mukhang tinamaan na nga. Si Yvonne naman at Judiellene ay kasama padin namin dito.

"Tagina nong jowa ko, ayaw nanaman ako replyan. Ilang araw na! Hmm gago nainis ako kaya ayun blinock ko! Bahala na siya sa buhay niya! Kingina niya!" Biglang naglabas ng sama ng loob si Judiellene.

Kahit medyo madilim ay halata na ang pamumula sa mga mukha nilang dalawa.

"Iwanan ko na kaya tong si William?! Pagpalit ko nalang siya sa kung sino dito. Madami naman akong nakikitang pogi!" Dagdag niya pa.

"BWAHAHAHAHHA ulol! Pustahan kinabukasan lang nasa story mo nayan sa IG! Ipagpalit my ass! Marupok ka nga Ellene! Marupok ka!" Pinalandakan pa iyon ni Yvonne sa mukha ni Judiellen.

"Pakyu! Pakitaan pa kita eh!"

"Oh gago sige. Ano? Subukan mo nga!" paghahamon din ni Yvonne.

"Huyy, normal paba to?" bulong ko sa tainga ni Yvo. Para na kasi silang nag aaway.

"Its okay. Ganyan sila magbonding." awitt na bonding yan.

Dahil sa paghahamon ay biglang tumayo si Judiellene at pumunta sa dance floor, doon humila siya ng pogi at matangkad na lalaki. Bahagya pang nagulat yung lalaki dahil sa ginawa pero agad ding naka recover ng sayawan siya ni Judiellene. Mula dito kitang-kita ang pagngisi ng lalaki saka sumabay sa indayog ng katawan ng babae.

"WOOOHOOOO! THAT'S MY GIRL!!!!" pagch-cheer ni Yvonne sa kanila mula dito. Sinabayan niya pa iyon ng malakas na pagtawa.

"Hoy si Judiellene..." Nagaalala kong sambit.

Agad namang naglabas ng cellphone si Yvo at doon may tinipa. Seryosong seryoso pa ang mukha niya habang ginagawa iyon.

Paglingon ko kay Yvonne wala na rin siya sa kinauupuan niya ilang segundo lang. Kasama na pala siya nila Dani at Sarah. Hataw na hataw sa dancefloor.

Mukha namang nagkakasaya sila kaya tinuon ko nalang ang pansin ko kay Judiellene na hanggang ngayon ay sumasayaw parin kasama yung strangherong lalaki medyo may kalayuan kila Sarah.

Pagkalipas ng mahigit limang minuto, dumako ang kamay nung lalaki sa bewang ni Judiellene at para bang gina-guide ito sa pagsayaw. Masiyado narin silang magkadikit sa isat-isa. Feeling ko nag-iinit na tong lalaki kaya kinalabit ko ulit si Yvo.

"Be, kunin na kaya natin si Judiellene?" Untag ko ng hindi parin inaalis ang tingin sa nagsasayaw.

"Lets just wait a bit more, Bbi. Padating narin yon." nagtaka ako sa sinabi ni Yvo at gusto pa sanang magtanong kaso nagsalita na ulit siya. "Oh, there he goes." itinuro niya ang lalaking naglalakad ng mabilis at punong-puno ng charisma habang kusang tumatabi ang mga tao para makadaan siya ng matiwasay.

Tuloy-tuloy ang lakad niya suot ang pagalit na ekspresyon patungo kay Judiellene na walang alam sa mga nangyayari.

Bago paman ay biglang sumulpot sa harap namin si Yvonne.

"Pano napunta si William dito?! Kinontak mo?!" tanong niya kay Yvo.

William? So siya pala yung tinutukoy ni Judiellene na jowa niya kanina.

"Yup."

"Shit!" Akmang pupuntahan na ni Yvonne si Judiellene kaso nahila na ni William ang babae. Gulat na gulat si Judiellene at hindi kagad nakapag react.

Pumunta kami ni Yvo sa kanila, sumunod naman sila Sarah, Dani, and Yvonne.

"Bro." bati ni Yvo kay William.

"Yo." Maikli din nitong sagot.

"William, anong ginagawa mo dito?!" Tanong ni Judiellene.

"Ano paba?! Edi sinusundo ka!"

Infairness ang pogi din nitong William ah, maputi din. Well maganda naman si Judiellene kaya bagay sila.

"Sinusundo?! Ang kapal naman ng mukha mo matapos mokong i-ghost! Umalis ka na nga, nakikipag sayahan ako dito eh!" nagpupumilit na bumitaw si Judiellene mula sa pagkakahawak ni William. Kaso natural na malakas ang lalaki kaya wala din siyang nagawa.

"Sa labas tayo, para hindi nakakagawa ng eksene dito." Saad ni Yvo. Kaya ayon lumabas talaga kami kahit ayaw na ayaw ni Judiellene.

"Mag-usap tayo, Ellene."

"Ayoko nga! Pagod nako, message ako ng message sayo pero binabalewala moko!"

"Its not like that, hectic lang talaga ang schedule ko kaya hindi ko magawang mahawakan ang cellphone at replyahan ka."

"Eh anong ginagawa mo dito kung busy ka pala?!" wala na kami sa loob ng bar pero sumisigaw parin si Judiellene.

"Sinusundo ka nga, sabi kasi ni Valentine, pinagpapalit mo na daw ako. Tingnan mo may make-up pa akong suot at hindi pa ako nakakapag bihis mula sa photoshoot kanina. Dito kagad ako dumiretso." malumanay na ngayon ang boses ni William.

Hindi nakasagot kagad si Judiellene don.

"Tingnan mo rumurupok kana, Ellene. Kala mo ah BWAHAHAHHAHA. Lakas mo pa magrant kanina." Pang-aasar ni Yvonne sa namumula na ngayon na si Judiellene.

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now