EIFFEL TOWER AND HIM

1.7K 20 0
                                    

"Ang susunod na stasyon ay Anonas, ang tren na ito ay hanggang sa Recto."

'Ybaru Valentine Lorenzo. UST 4th YEAR MEDICAL'

Fucker.

Pati sa pangalan pinagpala siya. Allah sure took his time building this man. Pag talaga tong lalaking to Dean lister pa, pagpapalit kona si Maxivon.

Dahil medyo malayo pa naman ang recto para ako'y bumaba, napagdesisyonan kong i-search muna sa social media ang name ng lalaking to dahil kung ipagmamaya kopa baka makalimutan kona.

Dinikit ko sa sarili ko ang cellphone at sumandal sa upuan para hindi niya makita, pati ng mga katabi ko ang ginagawa ko. Mabilis kong tinipa ang pangalan niya sa facebook at agad din naman itong lumabas.

Default lang ang profile picture niya pero ang mataas na Eiffel tower in night time naman ang cover photo nito. Oh hindi lang pala view dahil kasama din siya sa picture, nakatalikod nga lang.

Eiffel tower plus Him... Pagpalit ko nalang kaya talaga si Maxivon? Total wala naman akong pag-asa don eh.

Matapos kong titigan ang cover photo niya ng mahigit dalawang minuto, nagpatuloy na ulit ako sa pang-i-stalk. Pagdating ko naman sa Bio niya iisang word lang ang mababasa mong nakasulat.

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now