EMBARRASSING

1.4K 17 0
                                    

"Next station is Araneta-Center Cubao, ang susunod na stastion ay Araneta-Center Cubao."

"Are you okay?" laking gulat ko nang bigla siyang magsalita at agad naman akong lumingon sa kaniya saka sinabing...

"Y-yes, oo naman. May rason ba para hindi ako maging okay?"

Bigla naman siyang tumingin sakin at para bang nagtataka?

"Pardon? Are you saying something, Miss?" aniya sabay tanggal ng isang airpods sa tainga.

Halos gusto ko namang murahin ang mga kanunu-nunuan namin ng marealize ko ang mga pangyayari. Hindi ako ang tinatanong niya nun kasi may iba pala siyang kausap sa airpods niya!

Dapat pala nagtaka na ako una palang kasi nung lumingon ako sa kaniya hindi naman siya nakatingin sakin, naka yuko lang siya! Huhu.

"No, no... Nothing." puno nang kahihiyan kong sagot.

'Please pababain niyo na ako huhu!'

Ngumiti naman siya nang maliit saakin saka muling binalik sa tainga ang tinanggal na airpods.

Suuuss!

Ang dibdib ko hindi magkanda-mayaw sa pagtibok. Feeling ko sasabog na! Huhuhu gusto ko na po bumaba.

Bakit kasi sa recto pa? Siya nalang kaya bumaba sa next station?

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now