LETTER

793 22 1
                                    

To: The person I love the most.

Hello, bebeko. Ate mo'to, siguro ngayong mga oras na nababasa mo'to ay naging successful na ang operation mo, ibigsabihin din ay nasa maayos na lugar na ako. Huwag kang malulungkot ah, ginawa ko nga yan para maging masaya ka. Sorry pala kasi hindi ko na nasabi sayo, alam ko naman kasi na tututulan mo ako. I have to do this for you, Ash. Dont feel burden kasi I chose this naman with my whole heart.

Alam ko din na medyo may dinadamdam ka saakin. But dont blame yourself, okay? Hindi mo kasalanan na hindi ka nabigyan ng sapat na pagmamahal ng mga parents natin because thay are so focused on me. Alam ko yun, Ash. Ang mali ko lang ay hindi kita kagad nilapitan, alam ko kung ano ang dapat gawin pero naduwag ako. Ate mo ako pero wala aong naidulot sayo.

Gaya mo ay hindi rin ako naging masaya sa mga atensyon na ibinubuhos saakin. Parang hindi kasi ako pwedeng magkamali. Madaming mga mata ang nakatingin saakin at hinuhusgahan ako, halos wala na nga akong kontrol sa sarili ko eh. Wala na akong karapatan mag desisyon. Alam mo ba na gusto ko talagang maging engineer? Ni minsan hindi ko hiniling maging doctor. Pero sila ang masusunod eh, so I have no choice kundi i-pursue ang pagiging doctor.

Sobrang sakit para saakin nun, Ash. Yung isantabi lahat ng pangarap mo dahil hindi yun ang gusto nila.

Actually, may minamahal din akong lalaki. At hindi si Maxivon yon. I am secretly dating my classmate, Ash. Sayo ko lang siya ipapakilala ah, sayo ko ipagkakatiwala ang mga sikreto ko. Nasa iyo narin naman ang puso ko eh.  His name is Warden, he is one of the smartest in our batch. Dahil nga sa wala akong interest sa medisina, hindi ko madaling makuha ang mga lessons namin. So he offered to be my tutor.

Pumayag ako and Voila. Nagiging magaling narin ako all thanks to him. Akala ko nga sa course lang namin niya ako tuturuan, pati rin pala sa pagmamahal. We fell in love with each other, but at first tinanggihan ko siya kasi nga alam kong magiging tutol samin sila Mommy. Dagdag pa na si Maxivon ang gusto nilang maging asawa ako. But Warden didn't stop just like that. Niligawan niya ako, at syempre mahal ko din siya kaya sinabi kong masasagot ko lang siya kung papayag siya maging sikreto ang relasyon namin.

"Whatever you want, Ashantie. As long as I have you everything is okay."

That's what he said.

Ash, kung sakaling makita mo man siya pakisabing mahal na mahal ko siya. Hinihiling ko rin na sa susunod na buhay ay hayaan na kami ng langit maging masaya sa isa't-isa.

Sana ay maging masaya kana rin, Ash. Walang pagdadalawang isip kong binigay sayo ang puso ko kasi gusto ko maranasan mo pa ng matagal ang tunay na pagmamahal. Nakita ko iyon kay Yvo. Narinig ko rin iyon mula sa kniya. Hindi ka man nakatanggap sa mga magulang natin, si Yvo naman ang magpupuna nun sa iyo.

He chose you in a million.

And I chose you over me.

Ako narin ang humihingi ng paumanhin in behalf of our parents, they are so unfair for treating us that way, Ash. Pero wala tayong magagawa, kung hindi dahil sa kanila ay hindi sana natin masisilayan tong mundo.

Masayang-masaya ako na naging kapatid kita, Ashryfah. Sobrang saya. Kung tatanungin man ako kung kailan ang pinakamasayang araw ko? Yun ay nung isinilang ka. Kahit maliit palang ako nun ay inaalagan na kita. Sinukahan mo pa nga ako sa mukha habang nakadapa ka sa dibdib ko at nakahiga ako. Pero imbis na magalit ay natawa pa ako, alam ko kasing magiging memorable iyon para saakin.

Kahit nung aksidente kang nakabasag ng paboritong vase ni mommy, inako ko yon kasi alam kong papaluin ka nila ng sobra, pero pag ako ay sesermonan lang. I took advantage of my 'being-favorite-child' for you, Ash. Laging ikaw ang top-priority ko.

Ganon kita kamahal.

Ngayong wala na ako, I wish you live to the fullest. I am so proud of you because of your braveness. Mas matatag kapa ata kesa saakin eh.

Pero ayun, huwag ka ng malulungkot. Lagi mo naman akong kasama eh. Yung puso ko.

Mag-iingat ka palagi haa, huwag mo din sana akong kakalimutan, magiging malungkot ako sige. Mahal na mahal kita, kapatid ko. Sana sa susunod din na mga buhay ay ikaw parin ang kapatid ko.

Thank you and I love you more than the stars above.

From: Your heart.

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now