SWEET AND WARM

877 10 0
                                    

Sa condo kona pinatulog sila Yvo at Sarah. Pagdating pa ay bagsak na bagsak yung bestie ko, sino ba naman kasing hindi babagsak sa dami ng ininom niya.

Sana lang ay huwag niyang isama yung pagbasak sa exam.

Magkatabi kami ni Sarah habang si Yvo naman ang pinagamit ko ng kabilang kwarto.

Madaling araw na pero hindi padin ako makatulog. Para kasing ang bigat ng paghinga ko.

Kaya bumangon muna ako at pumunta sa balcony para doon ay magpahangin bitbit ang mainit na gatas. Mahilig ako sa kape kaso di ako pwede uminom non ngayon at baka mas lalo akong hindi maka tulog.

Habang nagpapahangin, naalala ko ang mga nangyari kanina sa bar matapos magkaayos nila Judiellene at William.

Itinuloy rin namin yung pagpaparty at kasama na si William.

Napanood ko pa kung paano magharutan yung dalawa. Sa mismong harap pa namin kasi ni Yvo nag LP yung mga yon. Wala naman kaming magawa kasi pareho na nga silang nakainom.

Pero ang cute nila tingnan.

Madami ding gustong pumorma kay Sarah sa Dancefloor kaso bantay sarado nila Yvonne at Dani. Lasing na lasing na rin si Sarah non at ako inaantok habang katabi padin si Yvo.

Buong oras nayon ay hindi umalis sa tabi ko kahit isang beses si Yvo. Hindi rin talaga siya tumikim ng alak kahit anong alok ni William.

"Can't sleep?" Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ang boses ni Yvo sa likod. Di ko expected na gising rin siya ngayon.

"Y-yah.."

"Buy you were sleepy kanina while we are on the bar?"

"Hmm, nakatulog nadin kasi ako sa kotse mo. Ito nga oh, umiinom ako ng gatas para antukin ulit." Pinakita ko sa kaniya ang tasa kong may gatas. "Ikaw? Bakit gising kapa?"

"Hindi din ako makatulog." sagot niya saka tumabi saakin.

Nabalot kami saglit ng katahimikan.

"Nabasa ko yung mga messages mo..." mahinang sabi ko, sapat lang para marining niya.

Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang bahagyang pagsulyap niya saakin.

"Its so sweet and warm. Alam mo bang iniyakan ko yun?" doon ay sinalubong ko nadin ang mga tingin niya. "Sobrang saya ko kasi."

Ngumiti ako ng matamis at hinaplos ang mga pisngi niya.

Kinuha naman niya ito at dinala sa kaniyang labi.

"I love you, Ash."

"Wow, mas masarap pala sa feeling kapag naririnig na directly."

'My heart feels weird.'

We smiled at each other. "So kelan tayo ikakasal?" nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko at agad namula ang tainga.

'I'm dizzy.'

"Whenever you are ready..." Mahinang sagot ni Yvo.

"BWAHAHHA, sige sige. Sabi mo yan ah."

Tumango siya at muling hinalikan ang likod ng aking palad.

'I can't breath.'

What's going on? Why... What's happening to me?

"Ash? Ashryfah, are you okay?" nanlambot ang mga tuhod ko, kung hindi lang ako nasalo ni Yvo ay malamang napaluhod na ako sa sahig. "Fvck! Are you hurt? What's the problem?" punong-puno na ng pag-aalala ang mga mata ni Yvo.

"O-okay lang ako. Inaantok na yata ako. Pwede bang paki dala nalang ako sa kwarto?" nahihirapan kong sambit ngunit hindi ko iyon ipinahalata sa kaniya.

Nagdadalawang isip man ay binuhat parin ako ni Yvo para dalhin sa kwarto.

Hanggang ngayon ay mahimbing padin ang tulog ni Sarah kaya dahan-dahan at maingat akong inilapag ni Yvo sa tabi nito.

"Are you sure you are okay?" paninigurado niya.

"Oo naman. Sige na matulog kana din."

"Hmm. Goodnight."

"Goodnight." He kissed my forehead before leaving the room with unsure expression.

Im not really okay. I dont know why.

Pero baka dahil lang to sa pagod ko kanina. Samu't-saring amoy din ang nalanghap ko kanina, nakakahilo talaga.

Pinilit ko ang sarili na makatulog. Ramdam ko din ang pamamawis kahit malakas ang labas ng aircon.

Nagising ako kinabukasan ng bandang tanghali, nauna pa nga gumising si Sarah kesa sakin. Kahit siya yung lasing na lasing kagabi. Kahit ilang subject na ang hindi na-attend-an ni Sarah, nagpatuloy parin siya sa pagpunta sa school para makahabol sa ibang subs. Samantalang ako naman ay mas piniling umabsent nalang at manatili dito sa bahay.

Nakita ko din ang sticky notes na dinikit ni Yvo sa ref. Dito na siya nagpaalam na maagang aalis para sa pagpasok, di na daw niya ako ginising kasi alam niyang kulang ang tulog ko at nagset nalang ng alarm.

Pero hindi padin ako tinablan ng alarm na sinet niya. Tanghali padin ako nagising.

Kumain at nag ayos nalang ako ng bahay, pagtapos nun ay nag review naman ako ulit. Alam kong busy si Yvo sa school kaya hindi ko na siya minessage para di maabala.

Abala ako sa pagbabasa ng mga past lessons namin ng hindi kona namalayan ang oras, nakaramdam din ako ng antok kaya ipinatong ko muna ang ulo sa lamesa para magpahinga. Hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng kadiliman.

Masarap na ang aking pagtulog ng maalimpungatan ako sa kaluskos ng nga bagay-bagay. Nagtaka pa ako kasi mag-isa lang naman ako dito sa condo, kaya paanong may naririnig akong tunog?

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko saka kinusot. Paggising ko ay may nakabalot nasaaking kumot, ang mga libro na hinayaan ko lang sa kung saan-saan kanina ay nakaayos nadin ngayon.

Bumangon ako at sinundan ang pinagmumulan ng tunog. Galing iyon sa kusina.

At doon nakita ko si Yvo na abala sa pagluluto. Naka bihis na siya ng pambahay at may mga plato nading nakaayos sa lamesa. Ang paghahalo niya pala sa niluluto ang naririnig kong kaluskos.

"Yvo..." Pagtawag ko sa kaniya. Nang marinig iyon ay mabilis niya akong nilingon at sinalubong ng mainit na ngiti.

"You're awake. Malapit nadin matapos tong niluluto ko, maupo ka nalang muna diyan." sinunod ko naman ang sinabi niya.

"Kadadating mo lang?" Ipinagpatuloy niya ang pagluluto kaya pinapanood ko nalang ang bawat paggalaw ng muscles sa likod niya.

"Yup. Hindi mo sinasagot yung mga messages ko kanina, susunduin dapat kita. Pero si Sarah lang ang nakita kong lumabas ng campus, siya rin ang nagsabi sakin na hindi ka pumasok."

"Hmm, tanghali nadin kasi ako nagising. Tinamad na pumasok."

Inilapag niya ang pagkain sa harap ko matapos itong maluto.

"I should've stayed with you here."

"Baliw, okay lang naman. Bukas papasok narin ako. Dito ka matutulog diba? Sabay na tayo bukas."

Ayun nga, napagplanuhan naming sabay na mag review at dito yun mangyayari sa bahay.

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now