Yvo

1.5K 26 0
                                    

"Arriving at Anonas station, this train is up to Recto station."

'Yvo'

Nickname niya siguro yan. What a lovely nickname. Wala siyang kahit anong featured at konti lang ang friends niya pero sobrang daming followers.

Tatatlo lang din ang post niyang pictures at two years ago na ito. Puro pictures yun nung nagpunta ata siyang paris.

Maliban don ay wala nang iba pang makikita sa wall niya. Hindi ko narin siya ia-add. Magkabukingan pa, mahirap na.

Baka naman 2nd account lang niya to?

Pagkatapos kong tumingin sa account niya tinago ko na ang phone ko dahil sa yung katabi ko sa kaliwa ay bumaba na nang tren, ibigsabihin magiging vacant na itong seat and may possibilities na makatabi ko si Yvo.

'Wow nakiki Yvo. Close kayo?'

Hindi nga ako nagkamali, kasi umupo siya sa tabi ko. Para tuloy akong may stiff neck na hindi makalingon sa kaliwa.

Pero infairness ang bango niya haa.

'Amoy kape and honey siya. I wonder what's his perfume, or is this the smell of his bodywash?'

Pinamulahan ako ng pisnge dahil bigla kong inimagine pano siya maligo.

Patawarin nawa ako nang maykapal huhu.

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now