THINGS I WANNA DO WITH YOU

774 16 0
                                    

Kinabukasan ay umuwi ako sa condo ng pagod na pagod.

Mas lalong lumala din yung paghirap ko sa paghinga, dumadalas nadin ang pagdurugo ko. Sa pag-ubo pati narin sa ilong ay lumalabas ang dugo. Sabi nung doctor nakaraan, kailangan ko na daw magpa confine.

Pero ayaw ko. Dito muna ako.

"Hmm? Ash, nakauwi kana..." Bumangon si Yvo mula sa pagkakahiga sa sofa at ngumiti saakin. Hindi ko naman magawang suklian iyon. "Pagluluto muna kita ng makakain ah." Hindi ako sumagot at hinayaan lang siyang gawin ang gusto niya.

"Matalino pala iyong kapatid mo, may nakareserba na sa kaniyang award ngayon palang para sa graduation. Sikat din siya dun sa pinuntahan naming coffee shop. Madalas daw pala siya doon.....tapos..... Kaya..... Nakakatawa nga eh....." Puro papuri nalang sa kapatid ko ang narinig ko galing kay Yvo.

Umagang-umaga siya kagad ang bukambibig. Ni hindi man lang ako kinamusta, ni hindi man lang siya tumingin sakin habang nagsasalita, ni hindi man lang niya napansin na hindi na ako okay.

'You are losing me, you idiot. You dont even have an idea.'

Naramdaman ko ang marahang pagtulo ng mainit na likido mula sa aking ilong. Alam kona kagad kung ano iyon, kaya ng pupunasan kona sana ito sakto naman ang paglingon sakin ni Yvo.

Nanlaki ang mga mata at dali-daling dumako saakin. Bahagya pang natigil ang pagkukwento niya tungkol kay ate.

"A-are you okay? Yung ilong mo...! Shit." nataranta siya saglit pero agad ding nakabawi at ginawa ang dapat gawin.

Tahimik lang akong pinapanood siya.

"Saan kaba kasi nanggaling kagabi at bakit gumaganito ang ilong mo? Hinatid na nga kita dito eh tapos umalis ka padin." panenermon niya.

"Sabi mo nga uuwi kana kagabi, pero nag quality time pa kayo ni ate." sagot ko naman.

"What?"

"Bakit hindi mo sinunod yung sinabi kong huwag mo ng ihatid si ate, Yvo?"

"Kasi nga mag-isa siyang uuwi, nag-aalala lang ako na baka mapahamak siya."

"Bakit ka nag-aalala? Kakakilala mo palang sa kaniya kagabi--"

"Why are we even talking about this now?"

"Bakit hindi? Eh diba nga mula pa kanina siya lang ang lumalabas diyan sa bibig mo, Rinding-rindi na ako!" Hindi kona napigilan ang pag-taas ng boses.

"Anong problema doon? Kung hindi mo pala gusto na siya ang pag-usapan natin bakit hindi ka nagsasalita?"

"Kasi pagod nako, Yvo! At tinatanong mo kung anong problema don? Well, nagseselos lang naman ako! Hindi lang selos kasi insecure na insecure din ako. Lahat nalang kayo puro siya ang gustong pag-usapan!"

Why can't it be me?

"Pwede bang ako naman? Ako naman, Yvo please... Choose me, Yvo. I'm begging you, please... !"

"W-what... I dont understand... Bakit ka magseselos, alam mo namang ikaw ang gusto ko?"

"Parang ayaw mona kasi saakin simula nung nagka-usap kayo!"

"That's not true!"

"That's how I feel!"

Nag-aaway kami ngayon dahil kay ate. Naiiyak ako pero wala na akong maluha kakaiyak kagabi. Pagod na pagod na talaga ako. Humihina na nga lalo yung katawan ko tapos ganto pa ang mga nangyayari.

Ang sensitive ko din malala.

"Umuwi kana." Malamig kong saad.

Dumaan ang lungkot at pagsisisi sa mga mata niya.

"I'm sorry... I'm sorry nasigawan kita, Ash..."

"Yvo, umuwi kana." Pagtataboy ko sa kaniya.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos-haplos iyon. Pero binawi ko din ito sa kaniya.

"Mag-usap tayo ulit sa mga susunod na araw. Magpapalamig muna ako haa. Huwag na muna ngayon at bukas, please..." Mahinahon at malambing kong sambit sa kaniya.

I came into a realization. May sakit ako at mahal ko si Yvo. Konti nalang ang oras ko dito sa mundo, iiwanan ko din si Yvo. Mas mabuti ng habang maaga palang ay bitawan kona siya. Para kapag nawala ako, hindi na sobra-sobra yung sakit na maiwan sa kaniya.

Pero hindi dapat kami sa ganito magtapos, sa susunod at huli naming pag-uusap aayusin kona.

Kaya nung araw na lumabas siya sa pinto ng condo ko, hindi kona ulit siya pinagbuksan.

Nagkulong ako sa kwarto at walang kahit kanino galing na mensahe ang sinagot ko. Kahit galing sa kaniya. Inignora ko ang presensya niya, walang sawa kong tinaboy. Kailangan niyang masanay na wala ako sa tabi niya. Na hindi na ako nakakausap. Na hindi na ako sasagot sa mga messages niya.

Kailangan niyang maintindihan na ginagawa ko ito para sa kaniya. Para maagapan pa yung magiging sakit na dulot ko sa kaniya.

I suffered alone in my room.

Hindi makahinga.

Nahihilo.

Nanghihina.

Hindi ko magawang alagaan ang sarili ko, hindi narin ako makakain ng maayos. Pero pinipilit ko para sa pagkikita namin ni Yvo ay magmukha naman akong presentable.

Nararamdaman ko ang sarili ko na unti-unting nawawalan ng kulay ang balat at nababawasan ang timbang.

Hanggang ngayon ay hindi padin ako nakakapag pacheck-up ulit sa doctor. Alam kona din naman mga sasabihin nila.

Kesyo malala na daw ako, kesyo kailangan ko ng mag stay sa hospital for monitoring and medication.

Kahit naman na gawin ko ang mga iyon hindi na ulit ako gagaling.

Maliban nalang kung mapapalitan yung puso ko. Kaso pati surgery ay 50/50 din. Plus walang donor.

Tatanggapin ko nalang talaga ang kapalaran ko.

Masakit.

Sa tuwing iniisip ko na mawawala na ako, hindi kona makakasama si Yvo, hindi na ako ang magiging kasama niya bumuo ng pamilya, hindi kona siya makikitang tuparin ang lahat ng pangarap niya, at hindi kona matutupad ang mga pangarap ko.

Sobrang dami ko pang gustong gawin eh.

May galit ba talaga ang mundo saakin? Parang pinagkakaitan ako ng lahat. Eh simple lang naman ang mga gusto ko.

Ano bang nagawa kong kasalanan sa past life ko at bakit ganito nalang ang balik sakin ngayon?

"Gustong-gusto ko pang mahalin ni Yvo..." Humihikbi nanaman ako. Wala ng katapusang pag-iyak.

"Gustong-gusto ko pa siyang makasama huhu"

"Ayoko pang mamatay... Yvo, mahal na mahal kita... Natatakot ako... Yvo, I need you..." paulit-ulit iyon lang ang binibigkas ko. Ni hindi ko na nga alam kung may sense bang nagagawa iyon. Basta umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makatulog.

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now