OPENED EYES

774 15 0
                                    

Pagdating sa hospital ay sinugod kagad siya sa emergency room, napahagod nalang ako ng buhok at napaupo sa sahig.

Tumulala muna ako mga ilang minuto bago napag pasyahang tawagan ang ate niya. I got her number on purpose to ask about our surprise plan. Siya lang din naman kasi sa pamilya ni Ash ang nakilala ko. So I told her about what's going on and sabi niya pupunta narin sila, with their parents,  kagad dito. Kahit hindi magkaharap ay bakas ang matinding pag-aalala sa tinig niya.

Pagtapos ng tawag ay niyakap ko nalang ang nga tuhod ko at ipinatong ang ulo doon. Saka na nagpatakan ang mga luha ko.

Umiyak lang ako ng umiyak habang nasa ganoong posisyon nang madatnan ako nila Ashantie at dalawang taong humahangos din. I believe that's their mom and dad.

"N-nasan ang anak ko?" Mangiyak-ngiyak na tanong sakin ng babae.

"Nasa emergency room po." Sagot ko naman saka tumayo para makapantay sila.

"Ano bang nangyari sa kaniya? Bakit naman umabot sa ganito?"ang daddy naman niya ngayon ang nagsalita. Naka hawak siya sa bewang niya at hindi mapakali.

"Hindi rin po siya nagsabi saakin eh, pero ang hinala ko ay may sakit siyang iniinda..." Kumirot ang puso ko doon.

"Nobyo kaba niya, Ijo?"

"No, dad. Magkaibigan lang daw sil-"

"Yes po." Pagpuputol ko sa sagot ni Ashantie. Nakatingin ako ng diretso sa mga magulang nila pero tanaw ko sa gilid ng aking mga mata ang bahagyang paglingon niya saakin.

Hindi narin nasundan ang pag-uusap ko na iyon sa magulang ni Ash. I can't even read the expression written on their face so I have no idea what they think to our relationship.

And then, 2 weeks have been passed.

Hindi padin gumigising si Ash. Natuklasan nadin ng mga doctor kung anong sakit niya at agad na ipinaalam saamin. Her body and heart is so weak that's why she's in a deep sleep. Her mother wont stop crying after hearing that, ang asawa naman nito ay nagpapakatatag at inaalo ang babae.

Pangalawang linggo ko naring pagpunta-punta dito. Madalas nga ay dito na ako natutulog para mabantayan si Ash. Wala din namang sinasabi ang pamilya niya tungkol sa pagpunta ko dito kaya iniisip ko na okay lang sa kanila.

"Bbi, please wake up na... I really miss you. Gustong-gusto kona ulit makita yang ngiti mo." I squeezed her hand gently while talking to her. "Look, the sunset is so beautiful today. Hindi ba paborito mo iyan? Hindi kaba naniinggit saakin na napapanood ko ito ngayon samatalang ikaw natutulog diyan?"

I was sitting on a chair next to her bed and facing the window, its curtains' open so I can fully see the sun setting gracefully. I dont really look at the sky that much before, but since I met Ash and told me that she loves sunset, I always look up and everything reminds me of her. Until it becomes a habit.

Hindi na muli akong nagsalita at pinanood nalang ang pagbaba ng araw habang paulit-ulit na nagpapadala ng dasal doon.

Hawak ko parin ang kanang kamay ni Ash nang maramdaman ko ang mahinang paggalaw mula dito. Nung una ay saglit lang kaya hindi ako sure at tumingin lang sa mga daliri niya. Pero sa pangalawang paggalaw, doon na tumalbog ang puso ko.

"A-Ash...!" Nagka aksyon na ang mga daliri niya! She's gaining consciousness. "Saglit t-tatawag ako ng doctor." Binitawan ko muna ang kamay niya at agad na lumabas ng kwarto para magsisisigaw sa hallway ng 'Doctor!'. Dali-dali rin namang may dumako saakin.

Habang chinecheck nila si Ash ay nanginginig kong tinawagan si Ashantie para ipabalita ito. Nanginginig ang buong kalamnan ko, ramdam ko din ang pagtayo ng mga balahibo ko.

Nasa sulok lamang ako ng kwarto at pinapanood ang pagchecheck ng mga doctor sa kaniya. Her eyes is finally open now. Masaya na sana ako kaso lumapat ang mga mata ko sa dami ng aparato na naka kabit sa katawan niya to support her.

Sabi nga ng doctor sakin matapos ang ilang oras ng dinala ko si Ash dito, Isang minuto lang daw na mahuli ako nung mga panahong yun ay siguradong wala na siya saakin. Sumikip talaga ang puso ko ng marinig iyon, para akong sinasakal ng hangin mismo.

"Ash!" Hinihingal na pumasok si Ashantie sa kwarto kasunod ang mga magulang nila. Nang makitang dilat na ang mga mata niya ay agad nila itong dinaluhan.

Ash's mom is already talking to her while sobbing and caressing her face. Napansin ko rin ang maya't-mayang pag punas sa mata ng daddy ni Ash. Si Ashantie naman ang iniwanan ng mga detalye ng doctor bago lumabas ng kwarto at hayaan na kaming lima.

Hindi ako gumalaw sa pwesto ko at pinanood lang silang patuloy ang pagkausap kay Ash kahit na hindi pa siya masiyadong makapag salita ng maayos.

I didn't talk to her. Kahit na dalawa, tatlong araw na ang makaraan ng magising siya. Tuwing bumibisita ako ay doon lamang ako sa sulok tumatambay. Nagdadala ako ng mga prutas pero hinayaan ko na ang mga magulang niya ang magpakain sa kaniya.

"Hindi mo ba siya kakausapin? Gising na siya oh... Nung dalawang linggo siyang walang malay, hindi ka tumitigil kaka kwento sa kaniya ng mga bagay-bagay. Bakit ngayon hindi?" Pagtatanong saakin ni Ashantie habang kumukuha ako ng kape sa machine.

"Madami akong gustong sabihin sa kaniya, kaya kung gusto niyang marinig iyon ay magpalakas siya."

"Hmm. Bakit nga pala... Nung una tayong nagkita ang sabi mo friends lang kayo ni Ash? Nung mga time na iyon ba ay hindi pa talaga kayo?"

"Ah, Kami na non. Actually galing kami sa date nung araw na yon at kaya ko lang sinabi yun kasi akala ko hindi pa ready si Ash na ipakilala ako sa family niya."

Kaya nga tinukoy ko lang din na 'kaibigan' si Ash habang sinasabi kay Ashantie na gusto ko itong supresahin. Mukha namang naniwala talaga siya.

Pagpasok kong muli sa kwarto ay dumiretso na ako sa pwesto ko ng hindi lumilingon kay Ash. Nakita ko kasing nakatingin na siya saakin. Ganto ang naging set-up ko nitong mga nakaraang araw, habang kinakausap siya ng mga magulang niya malakas ang loob kong titigan siya pero pag nararamdaman ko ng parang lilingon na siya sa gawi ko ay agad akong nag-iiwas tingin.

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now