A WOMANIZER 03

2.2K 93 0
                                    

(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank
You !)

________________

SHANIAH KHALED MAXIMUS POV


Nandito kami ngayon sa clinic, dahil ang batang si Keizel ay napaaway na naman, hay jusko! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa babaeng ito.



"Sya nauna, okay? Binastos nya ako! Ano akala nya? Dahil sa lalake sya at malaki ang katawan uurungan ko sya?" Inis na wika nito.


Ang yabang ng babaeng ito, siya kaya hatawin ko ngayon?


"Aray naman Khaled! Masakit kasi nga!" Parang  maiiyak na wika nito ng diinan ko ang pagdampi ng cold compress sa kanyang pasa sa gilid ng labi.



Si Keizel Jade Wú ay isa rin sa mga kaibigan ko, pinsan siya ni Nashville.



Bago palang siya rito sa San Lorenzo pero grabe na ang pasakit nito sa ulo namin.



"Napapala mo! Keizel, alam kong matapang ka at walang inuurungan, pero sana piliin mo naman ang mga kinakaaway mo! Lalaki iyon, babae ka. Hindi hamak na mas malakas iyon,  buti at hindi ka napuruhan, isang sampal lang ang naabot mo, at kung hindi? ewan ko nalang, at sinabi ko rin sayo na wag kang pupunta doon sa likod ng school dahil maraming siraulo ang nakatambay doon" Mahabang sermon ko sakanya.


Ang hirap pagsabihan ng babaeng ito. Siya yata magpapa puti sa buhok ko.



"At beh, wag ka masyadong mag matapang diyan, para namang ang tangkad mo, maliit ka lang hoy, at ang lalaking yun ay higante, nakakatakot pa ang itsura, at girl ang itim ng batok!" Nakangiwing wika ni Astrid, ang babaeng to nakuha pang mang insulto.



"Tangina ang tigas ng mukha nya, nong sinuntok ko ako pa yata ang nasaktan" napailing sya at tsaka hinilot ang kamao nya.



Nasa klase kami kanina nang biglang ipatawag kami ng nurse clinic, at sinabing nasaktan daw ang babaeng ito, mabuti na lang at wala si Nashville kanina dahil busy ito bilang Vice President ng student council, kung hindi na ako makakatanggap pa ito ng batok mula roon.



May pasa sya sa pisngi at gilid ng labi dahil sinampal daw sya ni dambo--hindi nya totoong pangalan, yon ang tawag namin sakanya dahil malaki syang tao. chubby, mataas at maitim. Scary.



Mabuti nalng at wala si Nashville kanina, kung hindi, baka nadagdagan pa yang pasa--


"Anong nangyari, Keizel?!" Natahimik kaming lahat ng biglang pumasok si Nashville. Lagot ka beh, magtago ka na sa bulsa ni Astrid.



"H-ha? Wala.. na a-ano..ahm" hindi ito makapag salita ito dahil sa kaba.


Si Nashville ang isa sa tumatayong ate ni Keizelat magkasama rin sila ni Nashville sa iisang bahay.


Doon kasi muna tumutuloy si Keizel kay Nashville dahil wala pa itong kasama sa bahay nila.


"Sinampal daw sya ng dalawang beses ni Dambo dahil hinataw nya ng kahoy sa likod at sinapak ng tatlong beses" sumbong ni Astrid at nagtago sa likod ni Nashville, nakanguso.


ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz