Special chapter II (LAST)

1.9K 44 1
                                    

SHANIAH KHALED MAXIMUS

Number 2 ang nabunot ko, ano ba yan! Hindi ko na naman nabunot ang king!




"Sino ang nakabunot sa king?" Tanong ni Kyla.




Napalingon ako kay Astrid dahil bigla nito tinungga ang wine. Kanina pa ito tungga nang tungga. Baka mahilo na ito.




"Astrid hinay hinay lang sa pag inom, baka magka hangover ka niyan." Bawal ko rito, tinanguhan lang ako nito.




"Sino ang King?!" Agad akong napatakip sa tenga ko, ang sakit talaga sa tenga pag sumigaw ang batang ito.




"Me." Tipid na sagot ni Astrid, at tinaas ang papel.




"Number 7, hawakan mo ang dibdib ni number 10." Utos nito




"Hala grabe naman yan! Iba nalang!" Reklamo ni Kyla, naku alam na dis.




"Sino ang 7 and 10?" Natatawang tanong ni Chloe.




"M-me, number 7." Kamot ulong saad ni Maddie. Malas mo naman Madelaine kanina ka pa nadidare.




"10 seconds lang ah!" Ingay talaga nitong pinsan ko. "Umayos ka!" Pahabol pa nito.




Inirapan lamang siya ni Maddie, lumapit na si Maddie sa pwesto ni Kyla.




Sinapo na nito ang dibdib ni Kyla, napapikit ng madiin ang pinsan ko. Ano kaya nararamdaman nito? Straight kase ang isang to eh.




"10...9...8...7...6..."




"Tangina bilisan nyo naman magbilang!" Reklamador talaga ang babaeng ito




"5...4...3...2..."




"Hoy tangina ka, sabi hawak lang wag mo pisilin!" Pinaghahampas nito si Maddie.



"1!"




Natawa kami dahil sa bardagulan ni Kyla at Maddie, tarantadong Maddie talaga. Pinisil ba naman.




Nagbunot na kami ulit, agad akong napangiti dahil sa wakas nakuha ko rin ang king!




"Ako nakabunot sa kinggg!" Masayang saad ko




"Mamatay na nagtanong" wika ni Keizel, boset talaga to. Inirapan ko lang ito.



"Number 1, inom ka nang wine tapos isalin mo sa bunganga ni number 4!" Utos ko




"Hoooyy ang wilddd!" Natatawang saad ni Amara.




"N-number 4 ako, palitan mo na yan--"



Nagulat kami dahil bigla na syang hinalikan ni Clyte, at sinalin nito ang alak sa bunganga ni Keizel. Shesh!




Tinulak ni Keizel si Clyte at naghahabol ito ng hininga, kawawang bata muntik nalunod sa halik ni Clyte.




"ang hooooot nun!" Natatawang tili ni Amara, hayop talaga to.




Nagbunot na kami ulit, number 10 ang nabunot ko. Sayang hindi king, sana hindi ako madare dito hehe.




ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]Where stories live. Discover now