A WOMANIZER 30

1.2K 39 1
                                    

(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank you!)

______________

CHLOE AMARA ALLISTAIR POV

Nilalaro ko ang daliri ko habang nakaupo sa bench na nasa harapan ng cabin, dito napili mag usap ni Shaniah. Kinakabahan ako.



"Magsalita kana, nilalamok na ako" asar na sabi nya. Masama ata ang araw nya kaya inaaway nya ako.



"A-ahm..s-san ako magsisimula--"



"Bakit hindi mo sinabi sakin na ikakasal kana? O may plano ka bang sabihin?" Tinignan nya ako, nakataas ang isang kilay nya.



Bumuntong hininga ako at sumandal sa sandalan ng upuan bago tumingin sakanya ng seryoso.



"Maniwala ka man o sa hindi, ginawa ko ang lahat para hindi matuloy ang plano nila--lalo ni Mamita. I hate that Justine kung alam mo lang. I love you kaya hindi ko masabi, naghahanap lang ako ng tyempo para sabihin sayo, pero ayaw kong mawala ang saya sa mga mata mo kaya pinili kong wag muna ipaalam sayo at ginawa ko nalang ang lahat ng patago at hindi mo malalaman, akala ko maaayos ko..k-kaso hindi" napayuko ako at nag init ang gilid ng mga mata ko.




"I-I am a weakling, Shan. Kaya hindi ko nagawa ang dapat kong gawin, I-I'm so sorry for hurting you, s-sorry for being a slut, a b-bitch, a th-three time--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng niyakap nya ako ng mahigpit. Napatigil ako ng marinig ko ang kanyang mga hikbi.



"I don't mean it..Chloe hindi ka ganun, g-galit lang ako kaya ko nasabi yun" She said while sobbing.



"Shh..wag ka magsorry, I deserved that words, kasi totoo naman, truth hurts eh" I chuckled painfuly.



"A-at yung kay Aries.. I know na walang salita na makaka justify ng actions ko, na mali talaga ang ginawa ko na makipagdate sa kuya mo habang..n-nagkakamabutihan tayo" hinaplos ko ang buhok nya. Kumalas naman ito sa akin at pinunasan ang mukha nya.




"B-bakit hindi ka tumanggi? Bakit ka pumayag? B-bakit pinagsabay mo kami?" Kita ko sa mga mata nya ang sakit at galit na may halong kalungkutan.




"S-Sorry..p-pero hindi ko nakuhang tumanggi sa kanya dahil ayaw ko syang masaktan, p-pero ganun parin ang nangyari, n-nasaktan ko parin sya--pati ikaw" nakayuko kong sabi.




"hindi tama ang ginawa mo, sinaktan mo si kuya..you don't know how it affect us, kung pano kami nahirapan na nakita ang masayahin kong kuya na naglalasing at umiiyak" tumingin sya sa dagat at tumulo ang luha nya. Gusto ko iyong punasan pero nawalan ako ng lakas.




"I-I'm so sorry, Shan. H-handa kong saluhin lahat ng g-galit nyo..pupunta ako sa inyo p-pagkauwi natin at hihingi ako ng t-tawad sa mga magulang mo dahil sa ginawa ko, s-sorry kung nasaktan ko k-kayo--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil napahikbi na ako, napakabigat ng pakiramdam  ko.




ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]Where stories live. Discover now