A WOMANIZER 06

1.9K 81 0
                                    

(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank you!)

______________

SHANIAH KHALED MAXIMUS POV

Maaga akong nagising para mag ayos papuntang school. May Flag Ceremony kasi at bawal hindi umattend kasi malalagot ako kay Nashville.


"Ma! Papa! Papasok napo ako!" Sigaw ko habang pababa ng hagdan.


"Oh Khaled? Hindi pa naman gising ang kuya mo anak, at saka hindi kaba kakain?" Takang tanong ni mama.


Si kuya kasi ang naghahatid at sundo sa’kin sa school. Kaso noong malaman kong nagagandahan sya doon kay Chloe ay hindi na ulit ako nagpapa hatid, o nagpapasundo, baka ano pa gawin non kay kuya. Delikado!


Baka mamaya magulat ako magka develop-an na silang dalawa. Hinding-hindi ako papayag na maging sila ng womanizer na iyon.


"Ah ma, hindi na. Sasabay din kasi ako kay Kyla eh, hinahatid din naman po sya ni tito Mike" sambit ko rito. Kumuha lang ako ng sandwich at kinagatan ito habang inaayos ang mga gamit ko sa bag.


"Napapansin kong hindi kana nagpapasundo at nagpapahatid sa kuya mo, hindi ba kayo magkasundo? Nag away kayo?" Tanong ni papa.


"Hindi po pa, magkasundo kami non, ayaw ko lang maka abala sa tulog nya, mantika pa naman ang tulog non at saka kolehiyo na si kuya pa, kailangan nya magpahinga pagkatapos ng klase" ngumiti pa ako para maniwala na sila.


"Ganon ba? Oh Sige" sambit ni papa at kinuha ang wallet nya, nakita kong dumukot ito ng 500 at inabot sa akin.


"Oh baon mo" nakangiting sambit ni papa.


"Pa wag na po, may tira pa naman yung binigay mo kagabi, hindi ko naman kailangan pa eh, magsasabi po ako kung sakaling kailanganin ko" magalang kong wika rito.


Hindi naman kami mahirap, hindi rin mayaman. Sakto lang. Sa school na pinapasukan ko naman ay may scholarship doon. Kaya naman bayaran nila papa ang tuition doon pero nag apply ako ng scholarship para tipid na rin.


"Ganon ba? Napakabait naman ng prinsesa ko" niyakap nya ako at hinagkan sa noo.


Napangiti naman ako at agad na gumanti sa yakap nito, saka kumalas din agad.


"Una na po ako ma at pa, kapag nalate ako baka itakin ako ni Nashville eh" wika ko at sinuot na ang aking ID.


Di ko pwedeng kalimutan ang ID na to, kahit kaibigan ko ang mga nasa student councilor di parin nila ako pinapapasok. Lalo na ang Nashville na ‘yon.


Kumaway ako kila mama at papa at lumabas na ng bahay, saktong pag labas ko ay sya rin namang labas ni Kyla.


Himala at maaga ang babaeng ito, linapitan ko na ito.


"Ang aga natin ah? Saka-- aba’t blooming ah!" Manghang saad ko rito habang sinusuri ang kaharap ko ngayon.


ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]Where stories live. Discover now