A WOMANIZER 24

1.2K 50 0
                                    

(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank you!)

_____________

SHANIAH KHALED MAXIMUS POV


"Manong saan po dito ang daan papuntang sakaya--" tanong ko sa matandang nagtitinda ng buko.



Bigla itong umiling iling, at tinuro ang kanyang tenga. Ha? Ano meron sa tenga niya?



Pagkatapos ay tinuro nya ang karatula sa gilid ng kanyang lamesa.



'bingi ho ako'


Ay? Tumango-tango ako at kumaway sakanya bago tinahak ang daan patungo sa iba pamg nagtitinda rito.



May nakita akong nagtitinda ng prutas, agad ko itong linapitan.



Magtatanong palang sana ako, nang bigla nalng tumalikod sa akin ang nagtitinda ng mga prutas. Lah grabe siya gorl.



"Hindi ka sasagutin ng mga yan, baby." agad nag init ang ulo ko ng marinig ko ang boses ng babaeng kinaii-- hindi ko kilala.



"Wag mo ng subukan pang tumakas, kasi hindi ka naman nagtatagumpay. Handa na ang miryenda, kumain na tayo. Paborito mo ang nakahain" hinawakan nya ang aking kanay at naglakad.



"ew, germs  bitawan mo nga ako?" Umirap ako at binawi ko ang kamay ko rito at nauna nang naglakad.



Ayaw ko man ay kumain ako, Ceasar salad ba naman ang inihain sa harap ko.



"Uminom ka nang tubig" inabot nya ang tubig sa akin.


"Yaya na pala kita ngayon?" Taas kilay na tanong ko sakanya.


Agad itong napatigil sa pag nguya, at tumingin sa akin.



"Kahit anong gawin mo, hindi magbabago ang pananaw ko sayo. Ibalik mo na ako sa Manila. Magkakasakitan lang tayo rito" seryoso kong sambit.



"Sabi ko naman sayo, hindi tayo uuwi hanggat hindi mo ako pinapakingga--"



"Hindi ako makikinig sayo. Hinding hindi na ulit ako magtitiwala sayo, Amara."



"Kh--khaled, pakinggan mo lang ang side ko ok na sa--"



"Saakin hindi ok, hinding-hindi kita papakinggan. Ayaw ko na marinig ang mga kasinungalingan mo." Seryosong wika ko.



Padabog akong tumayo at umakyat, agad akong pumasok sa aking silid at sinara ito ng malakas.



Nakakainis, limang araw na kami rito. Limang araw ko na siyang kasama, baka tatagal pa kami rito.



Sawang-sawa na ako sa presensya nito.



Umupo ako sa aking kama. Ang boring kahit anong gadgets wala. Kinuha lahat ng bwiset na yon.



TV lang ang meron sa kwartong ito, tumayo ako at tinungo ang bintana. Linibot ko ang aking paningin sa labas. Maganda ang resort na ito, malinis at alagang-alaga talaga.




Pagmamay-ari raw ito ng mga Wú, pamilya ng Chinese-- kaano-ano kaya ni Keizel ang nagmamay-ari nito?



Bakit kaya Cǎihóng ang pinangalan dito? Ano kayang meaning nito-- may meaning kaya ito?



ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora