A WOMANIZER 14

1.2K 47 0
                                    

(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank you!)

_____________

DREI'S POV

Nag text saakin si Chloe kanina na magkita kami ngayon sa coffee shop na pinang-galingan naming dalawa kanina. May sasabihin daw ito saakin eh.



Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin dito sa kwarto ko, ngumiti pa ako. Poging-pogi ako sa sarili ko eh.




Inaayos ko ang kwelyo ng aking long sleeve. Agad kong kinuha ang aking pabango tsaka ito inispray sa aking sarili. Hmm ang bango!


Kulang nalang ipaligo ko na ang pabangong hawak ko, dapat kase super bango ko para plus point kay Chloe.



Sinuot ko na ang aking relo tsaka kinuha ang susi ng aking motor. Lumabas na ako nang aking kwarto at linock na ito.



Dali-dali akong bumaba, napahinto ako saglit sa paghakbang sa hagdan dahil nakasalubong ko ang aking kapatid. Agad naman akong napatingin sa aking relo.




"Alas sais na ng gabi ah, bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?" Nagtatakang tanong ko rito.



"D’yan lang kuya sa tabi-tabi-- eh ikaw? Bat’ bihis na bihis ka? Makikipag-date ka na naman eh! Naku, hindi mo pa pinapakilalayang babaeng ‘yan sakin ha. Baka mamaya ekis pala iyan." Nakangusong saad nito. Nagtatampo na naman ang lil sis ko.



Natawa naman ako tsaka ginulo ang buhok nito.



"Kuya naman! Kainis!" Tinabig nito ang kamay ko, tsaka agad nitong inayos ang buhok n’ya.



Natawa naman ako sa inasal nito, ang arte talaga nito. Ayaw na ayaw kase nitong ginugulo ang buhok n’ya eh.



"O’siya sige na mauna na ako, kumain ka na nyan ah? Babye." Pagpapaalam ko rito at hinalikan ang noo nito.



Hindi ko na hinintay na sumagot ito, agad ko nang pinagpatuloy ang paglalakad.



Tinungo ko ang garahe kung saan naka park ang aking motor. Sinuot ko na ang aking helmet, at sumakay na sa aking motor upang makapag maneho na sa tagpuan namin ni Chloe.

•••••



Nakarating na ako sa lugar na pupuntahan ko, agad akong bumaba sa aking sasakyan at tinungo ang pintuan ng coffee shop upang pumasok na.



Luminga-linga naman ako upang makita si Chloe, hindi naman ako nabigo dahil nakita ko ito agad na kumakaway saakin. Agad kong tinungo ang table nito at agad na umupo.



"Sorry kararating lang, kanina ka pa ba?" Nahihiyang tanong ko rito.



"H-ha? Hindi halos kararating ko nga lang." Nakangiting saad nito



Ang ganda talaga nito, simple lang kung mag-ayos pero sobrang lakas ng dating. Hindi nakakasawa ang mukha, nakaka adik. Walang araw na ‘di nito ginulo ang isip ko.



"Ahm.. ano nga palang sasabihin mo Chloe?"



"Ah? Ano, kumain ka muna baka napagod ka sa byahe eh." Saad nito at inusog palapit saakin ang  menu.



"Pili ka lang ng gusto mo d’yan, libre ko na. Laging ikaw gumagastos eh." Natatawang saad nito kaya naman natawa ako.



ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]Where stories live. Discover now