A WOMANIZER 33

1.1K 34 0
                                    

(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank you!)

___________

CHLOE AMARA ALLISTAIR POV

Napagplanuhan na ni Mamita at Tita Denice ang Bridal Shower ngunit kumontra ako, at sa pagkakataong to ay pinag bigyan nila ako.



Ayaw kong mag pa-Bridal Shower dahil hindi naman ako natutuwa sa paparating na kasal ko.



Kaya ang nangyari ay nag overnight nalang kami sa isang resort nina Clyte. Kasama ko si Zyreign, Clyte, Alexis at si Maddie, gusto daw kasing sumama sabi ni Lexi. Asus moving on!




"Ang ganda dito, te" mangha at pabulong na sambit ni Maddie habang nakayakap sa braso ni Lexi.



"Beh wag mo ipahalata na hampas lupa ka" bulong pabalik ni Lexi pero rinig na rinig namin kaya napatawa kami.



Kanina pa niya binibiro-biro si Maddie halos mamatay na nga kami kakatawa dahil sa kalokohan ng isang ito.




"Maka hampas lupa naman to, lagi kaya kita nililibre, nakikain kapa nga sa bahay, buti nga di nagrereklamo si Mommy kase lalabs ka eh" nakangusong sambit ni Maddie.




She's so cute! Alexis, si Madeleine nalang pleaasseee!





"Ang cute nyo ah? Naaalala ko tuloy si As--"



"Aso! May aso oh!" Sigaw ni Alexis kaya sabay sabay kaming natawa.




Halatang ayaw nya marinig ang pangalan ni Astrid.



"Bitter kapa? Sus mag move kana, beh ako nalang kasi" malokong sambit ni Maddie. Natawa naman si Lexi at napailing.




Alam kong biro lang iyon ni Maddie pero may part doon na totoo, halatang- halata ang pagkakagusto nya kay Alexis, alam kong ramdam iyon ni Lexi, pero hindi nya ito ginawang rason para lumayo kay Maddie.


Ganon sana, Astrid. Hindi iyong iniwan mo ang kaibigan ko sa ere.


Oh, 'di ba? Nakakaputang ina
Tayo'y lumilipad, at ako'y iniwan mo
Oh, 'di ba? Pinagmukha mo 'kong tanga
Tayo'y lumilipad, at ako'y iniwan mo


Natawa na lamang ako dahil sa pagkanta ko sa aking isipan.


Astrid, bakit mo naman kasi iniwan sa ere itong gurdian angel namin?


"Doon tayo sa yacht? Mas presko pag nasa gitna tayo ng dagat" suggestion ni Clyte na agad naming sinangayunan.




Sabay sabay kaming nagtungo sa yate ni Clyte, sumakay kami rito at pagkapasok ay hindi mo aakalaing yate yun, parang isang hotel kasi ang nasa loob nun.




The whole yacht filled with coffee scent, which is hindi na kami nagtaka, Clyte's stress reliever is coffee.




The brown curtains, brown chandelier, white Bed and couches really calms my soul.



Meron malaking screen sa harap ng kama, parang sinehan ito, it's like a mini Cinema, cute!



"Ang sarap naman mag stay dito, para akong naka unli coffee scent!" Tuwang tuwa na sambit ni Maddie.




ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]Where stories live. Discover now