A WOMANIZER 12

1.3K 61 0
                                    

(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank you!)

_____________

SHANIAH KHALED MAXIMUS POV

Ilang oras na kami magka call ni Chloe, 8PM kaninang nagsimula kaming magcall.


1AM na ngayon, marami kase kaming napagkwentuhan. Mas lalo namin nakilala ang isa’t isa, kung ano ang paborito naming kulay, pagkain mga ganun ba.



"Late na pala, hindi ka pa inaantok?" Tanong ni Chloe sa kabilang linya.


Tumingin naman ako sa camera upang harapin ito, agad akong umiling-iling.



"Hindi pa ako inaantok eh, ikaw? Baka inaantok ka na, may pasok pa mamaya eh." Sagot ko naman dito


"Medyo antok lang, pero antayin kitang antukin para sabay na tayo." Nakangiti ito saakin


Kinilig yata ako sa sinabi nito, willing pa syang hintayin na antukin ako bago sya matutulog.


"Sira, mauna ka na kung hindi mo na kaya ah. Anong oras na rin kase eh."



"Eh sabay na nga tayo!" Nakangusong saad nito



"Sige na nga! Goodnight, kita nalang us later." Nakangiting wika ko rito


Tumango-tango naman ito saakin, papikit-pikit na ang mata nito. Halatang inaantok na. Cute


"Opo, goodnight iloveyou" wika nito at kiniss ang screen ng kanyang phone. Baliw talaga


"Goodnight ulit, I-I love you." Bat ako nauutal? Eh ilang araw na namin itong ginagawa, di parin ako nasanay.



Kumaway na ito saakin, kumaway naman ako tsaka ko binaba ang tawag. Tinabi ko na sa aking side table ang phone ko at pinatay na ang lampshade. Inayos ko na rin ang aking kumot at natulog na

•••••

Nandito kami sa parking lot ni Chloe, nakasandal ako sa kotse n’ya at s’ya naman nasa harapan ko.



"Hindi ko naman siya kilala, Khaled. Promise! Hindi ko maalalang nakipag halikan ako sakanya" She explained while pouting.



"Hindi naalala pero kanina namumutla ka? Ano? Kinakabahan ka?" Inirapan ko ito. Bakit ba ako umaakto na parang girlfrie-- nagaalala lang kase ako baka mamaya mapaaway na naman siya. Yes, ganon nga.



Kanina kasi habang naglalakad kami papuntang cafeteria ay may humarang na babae, at niyakap ang leeg nya.


Her name's Flor. She said nag enjoy sya last night, I know it's not true, kasi magka-tawag kami ni Chloe. Pero hindi ko maiwasang mainis. Bwesit na yan, wala naman kaming label nito!



"Sorry na, hindi naman totoo yun, gusto lang nun mambwesit at gusto nya tayo mag away" malambing na wika nito at hinawakan ang bewang ko.



"A-alam ko naman, pero kasi nakakainis. Palaging may sasalubong sa atin, tapos magsasabi ng 'I enjoyed last night.' " naiinis kong reklamo.



"Sorry na, sweetie." she said and kissed me. Agad namang nawala ang sama ng loob ko sakanya at gumanti sa halik nito, napaka rupok Shaniah!



ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]Where stories live. Discover now