A WOMANIZER 32

1K 30 0
                                    

(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank you!)

______________

CHLOE AMARA ALLISTAIR POV

Nakabusangot ako habang sinusukatan ako para sa wedding gown ko, ayaw ko man ay napilitan akong sumama kasi kasama rin si mamita at ang magulang ng gagong to.

Nakangiti at ng aasar ang tingin sa akin ni Justine. Malagkit din itong nakatingin sa katawan ko.


I was wearing white fitted dress, it's two inches above my knees kaya maikli ito. Bwesit sarap dukutin ng mata niya.


"Ang sexy mo, pwede bang unahin ang Honeymoon bago tayo ikasal?" Malaswang sambit ng lalaki.

Sasagot na sana ako pero naoatigil ng mag hagikhikan ang mga stylist sa loob ng Store at natawa naman si mamita at magulang ni Justine.

What the hell? Anong nakakatuwa?!


"Naku, Justine apo, napaka pilyo mo talaga" natutuwang sambit ni mamita na tila'y aliw na aliw sa sinabi ni Justine.


"Pag pasensyahan mo na, Chloe, itong anak ko ay nabighani sa kagandahan mo kaya kung ano-ano ang sinasabi" sambit ni tito mike--Justine's dad. Ngumiti ako ng pilit at hindi na sumagot

"Ang sweet naman po ni sir Justine, napaka swerte nyo po sakanya" bulong sa akin ng stylist na kasalukuyang sinusukat ang balikat ko.

"Sweet? That asshole? Baka manyakis" pabulong kong sambit.

"Po?" Takhang tanong niya.

"Ha? Nothing, I said you're right" I smiled plainly. Banas!

"Ok na po ang sukat ma'am, ipapadala nalang po namin ang final design pag na varnished na po ni sir Hugo" sambit nito, tinanguan ko ito at kinuha na ang mga gamit ko. Nauna na akong lumabas at hindi na nag paalam sa mga tao sa loob.


Isipin na nila ang gusto nilang isipin sa akin, wala na akong pakealam, gusto ki nalang matapos to kasi nakakapagod.

"Hey! Wait for me" hinawakan ni Justine ang braso ko at hinarap sakany, halata sa mata nya ang inis.  Yan tama yan, Justine. Mainis kapa lalo.

"You know I hate being left! Pinapahiya mo ba ako, Chloe?" May diin ang bawat bigkas ng salita nya. I remained looking at him wearing my the-hell-i-care look.

Ano bang pakealam ko?!


"Talagang iniinis mo ako, ha? Kahit anong gawin mo. Sa akin ka babagsak, naiintindihan mo? At pag nangyari iyon. Akin kana" He said then kissed my jaw. Nandidiri akong lumayo sakanya at pinunasan ang dinikitan ng mga labi nya.


"You disgust the hell out of me, Justine. I hate you so much!" Padabog akong sumakay sa kotse nya. Hindi ako pinayagan ni mamita na dalhin yung kotse ko. Bwesit talaga!


Sumandal ako at tumingin sa bintana ng kotse, kumusta na kaya siya? Kumain na ka-- hays erase! Erase Chloe!


Narinig ko ang pagbukas ng pinto, hindi ko nalang pinansin.

"Ang bastos mo talagang bata ka, bakit mo naman iniwan ang fiance mo sa loob?"


Hindi na ako nagabalang lingunin ito dahil kilala ko na ang boses na yan.

"Kahit magtampo ka pa saakin wala akong pakealam sayo, dahil final na ikakasal ka kay Justine." Madiin na wika ni mamita.


Hindi ko nalang ito sinagot at binigyang pansin, pumikit nalang ako para mawala ang atensyon ko sa mga ito.


Bumibigat na ang talukap ng mata ko, mga ilang minuto lang ay dinalaw na ako ng antok.

"Buti nga mamita ay hindi na nagpapaepal ang babaeng yon eh, kung hindi tumigil sa panggugulo saamin ni Chloe yon talagang mapapatay ko yon." Iritang sabi ni Justine, sino naman tinutukoy nito?


"Don't worry Justine, pakiramdam ko naman ay sumuko na ang babaeng yon. Sabi ko na nga ba’t hindi lang magkaibigan ang babaeng yon at si Chloe." Sagot naman ni mamita


Hindi ko alam sino pinaguusapan nila, hindi nalang ako nagabalang dumilat inaantok pa ako. Tsaka ramdam ko parin na umaandar ang sinasakyan namin.


"Excited na akong magka apo, kahit lima lang Justine." Natawang saad ng aking mamita, kadiri.


"Makakaasa ka, mamita." Natawa ring saad ng aking fiance at hinawakan ang aking hita tsaka ito pinisil.


Nagsalubong ang kilay ko sa ginawa nito kaya napadilat ako, tinabig ko ang kamay nito dahil sa inis.


"Gising ka na pala hon, kumusta ka?" Tanong nito at dinampihan ang aking labi.

Nakakadiri!

"Hindi ako gising, clone ko lang to. Tsaka hindi maayos ang gising ko kung pagmumukha mo ang bubungad--"

Naputol ang sasabihin ko dahil sa pag sigaw ni mamita.

Tsk, tanggol pa more sa hayop na iyan.

"Chloe Amara! Yang bunganga mo ha" galit na singhal ni mamita

Gusto ko napang mapairap dahil sa pag sigaw nito saakin.

Anong klaseng lola ito?

"Mamita hayaan nyo na po, baka bad mood lang talaga. Ako na bahala." Ngisi nito at hinaplos muli ang hita ko

  

Pabalang kong tinabig ang kamay nitong nasa hita ko at tinignan siya ng masama.

Ang sarap sirain ang pagmumukha ng hayop na ito!

ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]Where stories live. Discover now