A WOMANIZER 35

1.3K 43 0
                                    

(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank you!)

_______________

CHLOE AMARA ALLISTAIR POV

Kauuwi lang namin galing sa restaurant nila Clyte, masasabi kong kahit papaano ay nawala ang lungkot na nararamdaman ko.



Wala kaming sinayang na oras para mag bonding, ginugol talaga namin ang oras namin sa isa’t isa.




Narito na kami sa harap ng bahay namin, hinatid nila ako dahil bukas na gaganapin ang kasal ko. Hays buhay!




"Andito na tayo Chloe, ingat ka ah? Kapag may problema tawagan mo lang kami." Wika ni Alexis na agad ko namang tinanguhan.



"Sorry Chloe hindi kami makaka attend sa kasal mo, gusto sana namin. Kaso hindi naman kami inimbita ng magaling mong mamita." Malungkot na saad ni Zyreign



Napabuga nalang ako ng hangin, paanong hindi sila imbitado? Talagang wala na akong takas rito.



"Okay lang, kaya wag kayong magalala saakin. Una na ako ah? Ingat sa byahe, at salamat " nakangiti kong paalam sa mga ito.



Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na, sinara ko ang pinto ng kotse at kumaway sa mga ito. Agad ring umalis ang mga ito



Wala na naman akong gana, bumibigat talaga ang pakiramdam ko kapag umuuwi rito sa bahay ni mamita.




Humarap na ako para pumasok.



"Good evening, honey, buti ligtas kang nakauwi." Wika ng fiance ko at hinalikan ako sa labi. Kadiri talaga



Agad naman akong lumayo dahil nandidiri ako, at parang may nakatingin saakin. Luminga-linga ako para malaman kung meron nga ba, pero wala naman.



Baka napapraning lang ako.




Linagpasan ko na si Justine at pumasok na sa bahay, agad akong umakyat sa aking kwarto.


Gusto ko magpahinga, pagod na pagod ako.




Linapag ko na ang aking gamit at sinarado ang aking pinto, linock ko na rin ito. Baka kase biglang pumasok ang magaling kong fiance, manyakis pa naman yon.

•••••

Nasa byahe na ako papunta sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal, at ito na ata ang pinaka mabagal na byahe sa buong buhay ko.



"Wag kana po malungkot, Ms.   Amara, magiging maayos po ang lahat" nakangiting sambit ni kuya Lando.




"S-salamat po, kuya" ngumiti ako ng pilit at tumingin na lamang sa bintana.



Matapos ang ilang minuto ay huminto na ang sasakyan sa simbahan. Natanaw ko ang napakaraming tao na nasa labas ng simbahan at nagkukumpulan, nag uusap at nagkakasiyahan.




Bumaba si kuya Lando sa sasakyan at pinagbuksan ako ng kotse. Mahigpit ang hawak ko sa gown na suot ko, not wanting to go out.



"Ms. Amara, tara na po naghihintay si Madame Rita" inabot nya ang kanyang kamay kaya wala akong nagawa kundi tanggapin ito.




The moment I went out, lahat ng mata ay nasa akin. Puno ng saya at pagkahanga ang mga mata ng mga tao na kanina ay busy sa kanya-kanyang ginagawa.




ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]Where stories live. Discover now