A WOMANIZER 08

1.6K 81 2
                                    

(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank you!)

  ____________

SHANIAH KHALED MAXIMUS POV

Kanina pa kami rito nakatayo ni Kyla, humihikab na nga ito. Wala kasing taxi na dumaraan dahil sobrang lakas ng ulan. Kahit uwing-uwi na ako ay hindi ko parin tinawagan si kuya. No way! Baka magkita pa sila ng maharot yun eh.


At saka baka mapano si kuya, galawgaw pa naman mag drive iyon minsan akala mo laging natatae kakamadali sa pagda drive. Ang dulas kaya ng kalsada, may minsan nang madisgrasya ang lalaking iyon.


"Khaled, naiiyak na ako! Gusto ko na umuwi!" Nakanguso pa ito at halos magdabog na.


Kasalanan naman niya kaya naabutan kami ng ulan. Puro kasi pakikipag chismisan ang ginawa kanina, tinatawag ko na nga mamaya pa nang mamaya.


"Konting tiis pa. Mamaya may dadaan na rin d’yan na masasakyan." luminga-linga pa ako.



Napatigil naman ako sa pagtingin sa paligid nang may humintong Pink Lamborghini (Twice-Momo yarn?) sa harapan namin. May design pa itong Hello Kitty. Napangiti naman ako. Ang cute!


Mukhang yayamanin ang isang ito. Pero infairness ha ang cute ng car niya, mukhang pinasadya pa itong ginawa.


Agad naman nabura ang ngiti na naka ukit sa aking labi nang maibaba nito ang bintana.



Problemado na nga kami rito tapos makikita ko pa ang pagmumukha ng isang ito.


"Come baby, ride me-- I mean sumakay na kayo. Walang dadaan dito na taxi. Baka kasi matamaan kayo ng kidlat d’yan" nakangiting anyaya ni Chloe.


Kung minamalas ka nga naman talaga, oh. Eh kung siya ang makidlatan nang mabawasan ang malandi sa mundo.


"What?! Ayoko nga--" hindi natapos ang atungal ko nang bigla akong kurotin ni Kyla sa tagiliran.


"A-ah oh sige C-chloe" namumula at kinikilig na wika ni Kyla. Tanginang yan.


Guys, hindi ko po siya pinsan. Hindi ko siya kilala.


"Tara na, wag ka nang maarte gusto ko na matulog" madiing bulong nito sakin at ngumiti kay Chloe ng malapad, plastikada talaga.



Kahit labag sa aking kalooban, no choice talaga ako kundi sumakay nalang. Binaba ko muna ang pride ko, inaantok na rin talaga ako eh.

Pagka sakay ni Kyla ay kaagad akong sumunod dito pero tinulak niya lang ako at sinarahan. Bastos talaga, sarap niya itakwil.


Binaba nito ang bintana at ngumiti saakin. "Sa harap ka, Khaled. Inaantok ako hihiga ako, eh. Chloe ayos lang ba?" Pag hingi nito ng permiso na kaagad naman tinangohan ni Chloe.


"Come here, baby dito ka na sa tabi ko hayaan mo siya humiga riyan." Ngiting malapad nito kaya napairap ako.

Wala na akong nagawa kundi tumabi rito at kinabit ang aking seatbelt.


ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]Onde histórias criam vida. Descubra agora