A WOMANIZER 10

1.6K 67 1
                                    

(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank you!)

_______________


CHLOE AMARA ALLISTAIR POV

Mas nauna akong nagising sa apat, abala akong nagkakape mag isa rito sa kusina. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba ako-- I mean kami.. kaming apat nila Zyreign, Alexis at Clyte.


Parang wala kaming tulog dahil sa batang kumag na ‘yon, hindi raw makatulog ang gaga kaya pati kami dinamay.


Eh paano ba naman kase, nag aya ito na manood nang SpongeBob. May dala pa itong CD ah, sabi n’ya patapusin raw namin lahat ng laman ng dala nyang CD.


Siraulo ba s'ya? eh ang dami non. Kapag nakita nya kaming nakapikit pinipitik n’ya noo namin. Paano natitiis ni Nashville ang batang ito?


Maga-alas singko palang ng umaga, mamayang 9AM pa naman ang pasok ko isang subject lang naman ang papasukan ko.


Entrepreneurship lang naman dahil may quiz kami roon, kaklase ko nga pala si Shan sa subject na yon. Agad naman akong napangiti nang maalala ang pangalan nito.


Alas dos na kase ng umaga noong nakatulog ang batang kumag at sinundan naman agad nila Clyte. Ako kase alas tres na ako nakatulog kakaisip kay Shan hehe.



Hindi ko parin talaga makalimutan ang paghalik nito saakin kagabi.


"Para kang tangang nakangiti d’yan. Creepy."


Napatingin naman ako sa nagsalita, si Alexis lang pala. Kagigising lang nito ang gulo ng buhok eh.


"Tangina hindi ko alam kung nakatulog ako, nagising ako dahil may mabigat na nakadagan saakin. Yung bata lang pala, sakit sa katawan tangina." Naiiyak na sumbong nito saakin. Deserve, inako mo kase eh. Batang ina-- putang ina ka na pala Alexis.

"Ayos lang yan beh, atleast nakatulog ka" Natatawa kong tinapik ang balikat niya.


"Hindi na siguro ako papasok, parang sasama ang pakiramdam ko eh" hinilot nito ang kanyang sintido.


"Baka naman hanapin ka ng Kaibigan mo?" Sabi ko at diniinan talaga ang salitang 'kaibigan'. Napabusangot naman ito.


"Kailangang diinan? Gago"


"Eh totoo naman!" I laughed as i take a sip on my coffee. I love this coffee, hindi matapang.

Minsan lang ako magkape. Kailangan ko lang para gising na gising ang diwa ko.

Si Clyte ang mahilig magkape saaming magkakaibigan.

Hindi na ito sumagot at humihikab na tumayo at umakyat. Baka maliligo na iyon, tinapos ko na ang pagkakape at umakyat na rin.

•••••

Nagmamaneho na ako papuntang school kasama si Zyreign, hinatid lang namin si Lexi at bata sa mga bahay nito. Hindi kasi sila papasok.

Si Clyte naiwan sa bahay dahil later pa raw siya uuwi.


"Malapit na ang Semestral Break nyo, at pagkatapos naman ng Semestral Break, School fair. Nakakapagod" reklamo sa akin ni Zyreign.


Wala kasi silang semestral break dahil kailangan nilang mag ayos sa school, like decorations. Booths at iba pa para sa gaganaping School Fair.


ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]Where stories live. Discover now