A WOMANIZER 26

1.2K 43 1
                                    

(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank you!)

                      _________________

CHLOE AMARA ALLISTAIR POV

Abala akong nagaayos ng aking gamit, dahil babalik na ako ngayon sa Cǎihóng. 4 days kase ako hindi bumalik sa Cǎihóng namimiss ko na sobra ang Khaled ko.



Natapos ko na ang isa kong inaasikaso rito sa Manila. Sabi ko na nga ba malakas ang pakiramdam ko na ang tinatawag na ate ni Keizel ay kilala ko.



Hindi lang kilala kundi naging parte talaga ng buhay ko, masaya akong nalaman na buhay pa pala ang pinakamamahal kong kapatid...



I don't know how it happens, but yes. Savannah Wú is my loving sister.

- FLASHBACK -


"Ito ang mga larawan ni Savannah ma'am." Saad ni Ronald.


Si Ronald ang napagutusan kong magimbestiga sa pagkatao ni Savannah-- ate ni Keizel.


Kinuha ko ang envelope na inabot ni Ronald, dali-dali kong linabas ang laman nito.


Pinakatitigan ko ang mukha ni Savannah, hindi ako pwedeng magkamali. Ang tangos ng ilong niya, kapal ng kilay at maganda niyang mukha.


Hindi ako pwedeng magkamali, kapatid ko ito.


"Ito lang ba ang maibibigay mo saakin Ronald? Dudoblehin ko ang bayad saiyo. Alamin mo pa--"



"Hindi lang iyan ma'am, galing ako sa probinsya kung saan tumira si Savannah at Keizel Jade ."


Taimtim lang akong nakikinig rito.


"Si Savannah Wú po ay napulot lamang--kung saan nangyari ang trahedya"


"Paano napunta ang ate ko kay Keizel? Bakit hindi ako kilala ng ate ko? Bakit ibang pamilya ang kinikilala niya? H-hindi..hindi ko maintindihan Ronald"



"Napunta ho ang kapatid nyo kay Keizel, dahil si Keizel ang nakapulot sa katawan nito, at swerteng buhay po ang kapatid niyo" Nakangiting sambit niya.



Kung ganun, kaninong bangkay ang nakuha namin? Ang iniyakan at pinagluksaan namin? At ang DNA..


paanong nag match iyon? Crimated ang bangkay, at hindi namin nakayanang tignan ang walang buhay na katawan ni Ate.


"Kaya ho hindi kayo maalala ng iyong kapatid ay may Temporary amnesia ho ito, dahil sa trauma at aksidente mismo"



"Saan ngayon nakatira ang kapatid ko at si Keizel?"


"Doon ho sa Manila, hindi kalayuan sa pinapasukan nyong paaralan, ma'am Amara." Paliwanag nito.

ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]Where stories live. Discover now