A WOMANIZER 27

1.2K 41 5
                                    

(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank you!)

_____________

CHLOE AMARA ALLISTAIR POV

Katatapos ko lang mag impake at kinuha ko na agad ang susi ng aking sasakyan.



"Amara anak, ingat sa pagmamaneho ok?" Sambit ng aking mommy at hinalikan ako sa noo.


"Yes po, mommy" nakangiti kong sagot rito.


"Kami na bahala sa ate mo, maaalala din tayo nun, hintay lang tayo, tsaka kami na rin bahala sa lola mo. Matatapos mo rin ang problemang ito."


"Syempre naman mom, matatapos ito at kakayanin natin ito."



Ngumiti ito saakin at ginulo ang aking buhok.



"O'siya sige na, baka hinahanap ka na ni Shaniah. Dapat pag uwi niyo rito ok na kayo." Malokong wika ng aking ama.



"Syempre naman dad! Ako pa ba? Sige na mom and dad alis na ako." Paalam ko sa mga ito.



Tinanguhan ko ito at kinuha ang aking gamit, lumabas ako nang bahay at tinungo ang aking sasakyan.

•••••

Hapon na ako nakarating dito sa Cǎihóng Island, sobrang traffic kaya natagalan sa byahe.



Bumaba ako sa aking sasakyan, agad naman akong sinalubong ni Jane.



"Ako na ho d'yan, ma'am." Saad nito at kinuha saakin ang hawak kong bag.



"Thank you Jane-- si Khaled? Kumusta? Nakakain na ba siya?" Tanong ko rito habang naglalakad papasok.




"Okay naman ang kalagayan niya ma'am, nasa silid po siya nagpapahinga." Nakangiting sagot nito kaya napanatag ako.




Tinanguhan ko lamang ito at tinungo ang silid ni Khaled. Dahan-dahan ko lamang binuksan ang pinto nito at sinilip.




Nakatalikod ito sa pintuan, mukhang tulog yata. Pumasok ako at dahan-dahang sinara ang pintuan.




Maingat lamang akong naglakad palapit dito, at umupo sa kanyang gilid.




Pinagmasdan ko ang maganda at maano nitong mukha, ang ganda talaga ng future ko. Hays.




Hinaplos ko ang pisngi nito, inayos ko na rin ang buhok nitong nakaharang sa mukha niya.


Much better, mas lalo pang nakita ang kagandahan nito.



"Rest well sweetie, I love you." Wika ko at dinampihan ito ng halik sa labi.



Tumayo ako at lumabas na nang kanyang silid, kailangan ko itong paghandaan ng makakain.



Baka kapag nagising ito, maghanap sya ng makakain.



Nagluto ako ng Afritada at Menudo, paborito din ni Khaled, kaya talagang nagpaturo ako kay Chef Orlie, our private chef.



Ng matapos ako sa pagluto ay umakyat ako upang maligo, pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto ni Khaled pero wala ng tao kaya alam kong nasa baba na ito.



ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]Where stories live. Discover now