A WOMANIZER 17

1.3K 52 0
                                    

(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank you!)

________________

SHANIAH KHALED MAXIMUS POV


Feeling ko ang haggard ko ngayon, si Amara kase hindi na ako pinatulog kaasar talaga iyon. Kaninang nagising kami ng 4:00AM magrirest pa sana ako ulit, ngunit sinutil ako nito, ayaw ako patulugin.

Sumandal ako at nag stretch para mapatunog kahit papaano ang aking katawan. Sarap sa feeling.

Kinuha ko ang aking bag at linabas ang aking salamin, liptint at pulbos.

Kailangan kong mag ayos para hindi halatang pagod ako.

Sinimulan ko nang mag-ayos, naglagay na ako ng kaonting pulbos sa aking mukha at kaonting liptint sa aking labi. Oh pak! Kaganda ko na ulit.

Ilalagay ko na sana ang aking gamit sa bag nang mapansin ko si Keizel at Alexis sa aking tabi. Kandong pa ni Alexis si Keizel.

Tinaasan ko ng kilay ang mga ito.

"Bakit andito na naman kayo sa room namin?" Iritang tanong ko sa dalawa

"Si Nashville ba hanap niyo? Wala siya busy siya dahil may meeting sila." Dagdag ko at linagay na ang gamit sa aking bag.

Tinapunan ko ulit ang mga ito ng tingin dahil hindi sila nagsasalita, anyare sa mga ito?


"Hoy ano ba kayo! Nakakatakot na yang titig niyo." Singhal ko rito tsaka pinitik ang noo ni Keizel.

"Aray ko naman!" Reklamo nito at hinimas nito ang kanyang noo.

"Bakit ba kase titig na titig ka?! Para kang ewan diyan!"

"Eh kase nagaalala ako sa'yo." Wika nito, halata sa mukha nito ang pagaalala.

"At bakit naman haler?!"

"Napano iyan oh?" Turo nito sa aking leeg.

"M-masakit ba? May nararamdaman ka bang kakaiba? Gusto mo ipunta na kita sa clinic o kaya ipunta kita kay mama la?" Sunod-sunod na sabi ng bata. Amp pinagsasabi nitong dalhin ako, at talagang sa lola niya pang Doctor.

Ang batang ito talaga maalalahanin, pero wala naman akong nararamdamang kakaiba.

Wala ring masakit saakin, nababaliw na naman ito.

"Siraulo, ano ba sinasabi mo? Wala naman masakit saakin, Keizel."

"Eh ano yang pula--parang paviolet na sa leeg mo. Isa, dalawa, tatlo-- ang dami!" Pagbibilang nito sa kung ano mang tinutukoy nya sa leeg ko.

Agad ko namang kinuha ang aking salamin, tsaka ko tinignan ang tinuturo ni Keizel. Bwct! Bwct ka talaga Chloe Amara Allistair!

Agad akong namula, binalingan ko ng tingin ang dalawa. Hindi parin nagbago ang expression ng mukha ni Keizel. tinignan ko naman si Alexis.

Nakangiti ito ng nakakaloko saakin. Nakakahiyaaa! Shit.

"A--ahm... Ano, k-kagat lang ng lamok yan J-jade. Don't w-worry okay?" Utal na wika ko

Ngunit umiling-iling lang ito saakin.

"Baka ma dengue ka dyan, halika sa hospital!" Ang oa talaga ng batang ito

"Khaled!"

ʀᴇᴊᴇᴄᴛɪɴɢ ᴀ ᴡᴏᴍᴀɴɪᴢᴇʀ | 𝙶×𝙶 [SeolNa]Where stories live. Discover now