Chapter Two: Goodbye

12 3 0
                                    

Nilahad ko kay sir Johannes ang papel nang matapos kong masagutan ang lahat ng tanong. Ngumiti siya sa akin at tinanggap iyon.

"Thanks for your cooperation."

Cooperation, my ass. I was forced to do all these things!

Pilit ang ngiti, tumango ako sa kanya. "Kailan ko po malalaman ang resulta?" Para makapagready na ako. Kapag marami akong mali, atleast makapagpaalam na ako sa mansion at kay mama at kay Chamber.

Speaking of Chamber, tumingin ako sa asong nasa aking tabi. He was now awake, currently looking curious at the robot standing behind the man in front of us.

"Chamber..." I whispered. This sweet dog has been with me ever since I was a child. Sa lahat ng albums na nakastore sa storage room, lahat ng baby pics ko, nandoon rin siya.

We grow up together. Now at seventeen, I was getting conscious that anytime, sooner or later, he will lose his life. Hindi kasing haba ang lifespan ng mga animals kumpara sa mga tao, in some cases. But I do hope when the time comes he will say goodbye to me... I hope I was there beside him.

Umiling ako. Bakit ko ba 'to iniisip? Chamber is still a healthy dog! Stupid, Flor.

"You'll be getting the result just a minute from now."

Umuwang ang bibig ko sa gulat. Nabato ako sa kinauupuan, hindi makapaniwala sa narinig. What did he say?!

Tumingin ako kay sir Johannes, nahuli ko siyang nilahad ang papel sa kamukha niyang robot. I was left speechless again when the robot started eating the paper.

"W-What--"

"Results. Checking in." Sambit ng robot.

Naramdaman ko ang pagkataranta ni Chamber kaya niyakap ko siya. He started barking. Nanlalaki ang mga matang nakatingin ako sa robot na patuloy pa ring kinakain ang papel ko!

"Sir Johannes, ano p-po ang nangyayari?!"

Instead of answering back, he roared laughter. I scoffed in disbelief! May oras pa siyang tumawa sa ganitong sitwasyon?! The damn robot just eat my paper! I put my soul into answering it!

"Don't worry, hija. Johan the two will be the ones to check your answers. He's eating your paper so that the information will enter his system," Sir Johannes explained, still laughing. "I can't believe this child..."

"Huh?!"

"Well, well, what do we have here?"

Naputol ang atensyon ko sa robot at nagtungo sa direksyon ni mama. Ramdam ko ang pagwala ng dugo sa aking mukha nang makita ko ang bitbit niya. Hirap na hirap niyang binaba sa hagdan ang dalawang maleta. Not just any luggage. Those are my luggages! My luggages!

"M-Ma... Anong ginagawa niyo sa m-maleta ko--" Napatayo ako sa gulat. Agad bumalot ang kaba sa aking sistema.

Hindi pa naman sinabi ni sir Johannes na nagfailed ako 'di ba?

"'Ma, sinagot ko naman po ng maayos!" I almost shout. Napahakbang ako ng isang beses.

"Oh, no, no. Flor, sweetheart." Umiling si mama. Nakita ko sa gilid nang mga mata ang pagtakbo ni yaya Grace patungo sa kanya. Tinulungan niya si mama na dalhin pababa ang mga maleta ko.

"I think we got the results!" Pasigaw at halata ang excitement na sabi ni sir Johannes.

My head turned in his direction. Natigilan ako nang makitang may laptop sa kandungan niya at nakasuot na siya ng eyeglasses. He looked too focused on the screen. And thank goodness, the robot is back to being motionless.

"Hmm, you passed." Umangat ang tingin niya sa akin at ngumisi.

I couldn't smile. I passed...? But why does my mother bring my luggage down?

Ilang sandali ay nakarating na si mama sa gilid ko. Marahan na nilagay ni yaya Grace ang mga maleta sa sahig malapit sa paa ko.

I heard Chamber's loud barks. Umalis siya sa sofa at tumakbo patungo sa kusina.

Something is ringing in my ears. I don't know what's happening. This is new to me! This is too sudden!

I passed. I passed the test.

"You passed the test, Flor. Which means you are coming with me."

"Coming with you?" Pero kahit ganoon, nagawa ko pa ring magtanong. I deserve to ask, right?

Tumingin ako kay sir Johannes. At mukhang hindi na talaga matanggal-tanggal ang ngiti sa kanyang mukha. "Yes. You're entering a school." panandaliang lumingon ang mga mata niya kay yaya Grace.

"Grace, you are fired. Go home immediately. And make sure you wear the earbuds again." Narinig kong utos ni mama. 

"Yes, po, ma'am."

"B-Bakit po ako sasama sa inyo?" Nagtataka kong tanong, not particularly asking someone. Tumingin ako kay mama para humingi ng sagot. Pero tinignan niya lang ako nang blangko.

"Oh no, hija. Your ignorance is making you less of a candidate. Are you sure that she's suitable, Christie? Why haven't you told her about the truth?"

"Ma?" Kahit nakakataka ay hindi ko na nilingon si sir Johannes.

She clenched her jaw. "I choose to remain silent." Tumalikod si mama at nagtungo sa kusina.

Naiwan akong nakabitin sa ere. Sa sobrang panghihinang dala nang pangyayari, hindi na kinaya ng mga tuhod ko ang bigat ng sarili. Napaluhod ako at natulala sa sahig.

"Florentine... Let's go now." I saw on the side of my eyes sir Johannes stood up.

"Go... Where..."

"Elecia. Kung saan ka talaga nabibilang."

Napaangat ako nang tingin. It was my first time hearing him speak filipino. Bumungad sa akin ang seryoso niyang mukha.

"Make sure to say goodbye to them. Because there is no turning back."

Napakurap ako, sobrang bilis ang tibok ng puso. "You're talking riddles." I spoke my thoughts.

His lips broke into a smile. "I am not. You just don't know the bigger picture..." There was a moment of silence before he speak again. "Shall we go?"

Bumaling ako sa dalawang maleta na nasa aking harapan. Lumunok ako at pinigilang maluha. Rinig ko ang mga tahol ni Chamber sa kusina. Siguro kinulong na siya ni mama kaya wala siya ngayon sa tabi ko. At si mama...

Hinayaan kong may luhang dumapo sa sahig bago tumayo at dinala ang mga maleta.

Ngumiti si sir Johannes sa akin at tinulungan akong bitbitin ang mga dala palabas ng mansion. Bago kami makarating sa harapan ng SUV, lumingon ako sa likod, sinuri ang kabuuan ng bahay.

I won't say goodbye. 'Cause I shall be back. Wait for me.

Narinig ko ang pagsara ng driver's seat, ginawa ko na 'yong cue para pumasok sa back seat. At hindi nagtagal, umabante na ang sasakyan palabas ng gate at kalaunan ay palayo sa mundong kinalakihan ko.

---

The Proud GiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon