Chapter Twelve: Naive

11 1 0
                                    

"Follow. The. Arrows." sagot ni double-b, ang makintab na bola, sa akin nang magtanong ako kung saan ako pupunta sunod. Lumingon ang mga mata ko sa paligid para hanapin ang arrows na pinapahiwatig niya.

"Doon?" tanong ko kay double-b, tinuro ang daliri sa nakita kong arrow. May poste sa kalayuan at doon nakadikit ang arrow. Nagvibrate ang hawak kong bola kaya napangiti ako. Doon nga. Kahit wala siyang mata, alam talaga niya. Ang efficient pala na may ganito, hindi na ako maliligaw ng landas.

Lumapit ako sa nakitang dilaw na arrow. Nilingon ko kung saan ito nakaturo... Bumagsak ang aking panga nang makita kung gaano kalaki ang hugis na nakikita ko. G-Ganito ba sila ka high-tech? Una, nagsasalitang bola. Ngayon, higanteng grey-colored cube? Para siyang cube pero may pinto. P-Pinto?!

"This is your section's quarter." bigkas ni double-b.

So, dito pala ako titira? Sa cube?

Pero nasaan ang paaralan, nandyan din ba? Wala akong ibang nakita sa paligid kung hindi ay malawak na damuhan. Itong higanteng cube lang ang nakikita kong infastructure sa paligid! Nagulat nga ako at may araw sa langit. Parang nasa labas lang ang set-up pero sa pagkaka-alala ko, nasa underground 'to.

Paano?

"Double-b, nasaan ang school? At may section na pala ako?" sabi nang guard na pwede raw akong magtanong ng kahit ano sa bola basta related sa school. The guard also similarly said that It's like a replacement of our 'phones' since mobile phones are prohibited here.

Pero bakit hugis bola? At bakit hugis cube ang titirhan ko?!

"Gia." sambit ni double-b. I looked down at her. "Naive." dugtong niya. Sarkastiko akong natawa, hindi makapaniwala. At ang bagay pa na ito ang may lakas na sabihan akong walang muwang?

"E-Excuse me!" tumikhim ako. "Hindi ba pwedeng magtanong?!" I rolled my eyes, then I realize I must be crazy. Na-o-offend sa pinagsasabi ng hindi tao. Kung pwede lang itapon itong bola na 'to, kanina ko pa ginawa. But I need her. She will serve as my instructor, the one telling me what should I do...

"Ha. Ha. Ha. Ha."

Kinalibutan ako nang biglang tumawa si double-b. Tunog... Hindi ko mapangalanan.

---

Puti. Ang unang kulay na makikita ko sa loob ng cube na bahay ay puti. The walls are white and almost like tiles, white tiles. I roamed my eyes around and felt the feeling of surrealness again. This is too unrealistic. Ganito na ba talaga ka high-tech ang paaralan na 'to?

"Are you just gonna stay there?"

My shoulders were irked when I felt a hot breath behind my neck. Mabilis akong gumilid at lumingon sa aking likod. A girl with curly hair is behind me.

"You know, you are blocking the way." dugtong nito. Napatingin ako sa likod niya at nakaramdam ng hiya dahil halos gumawa na ng linya ang mga babaeng nasa likod ko. Napako kasi ako sa pintuan. Humigpit ang hawak ko kay double-b. Nang may naalala, bumaba ang tingin ko sa babaeng may kulot na buhok. May hawak rin siyang bola.

"Are you dumb?" tanong ng babaeng may kulot na buhok.

"H-Ha?"

Napa-tanga ako nang bumuntong hininga siya. Akala ko'y may sasabihin pa siya kaya nagulat ako nang bigla niya akong nilagpasan. Hindi ko alam kung sadya ba ang pagbangga ng balikat namin.

"Do you think the space you've given to me is enough? Think twice, loser." bulong nito sa akin.

My brows met, in deep thought to what she said. Space not enough? I looked at my body and to the entrace of the door.Tama nga siya sa sinabi niya. Humaharang pa rin ako sa dinadaanan nila! Nakaramdam ako ng hiya at mas gumilid pa. Nagkaroon ng bulungan, binigyan ako ng tingin ng ibang babaeng pumapasok. Dahil sa ginawa nila ay sinundan ko rin sila ng tingin.

The Proud GiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon