Chapter Sixteen: Guess The Leader

11 1 0
                                    

Huminga ako ng malalim at binuga iyon ng marahan. Mag-isang nakaupo sa mahabang lamesa ng canteen ay hindi ko alam na malaking tulong pala. Tumingin ako sa paligid at nakita kung gaano ka abala ang iba sa iba't ibang bagay. Muli akong bumuga ng hangin.

Spy. My role for the team is a spy. I don't know what to feel. Bumaba ang tingin ko kay double-b. Bakit sa lahat pa ng role ay spy pa?

"Hello, Gia."

Mabilis akong lumingon sa taong tumabi sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Stacy 'yon. Napakurap ako ng dalawang beses.

"Ahm, kung ayos lang sa'yo na tumabi ako..." Nakayuko niyang sambit.

Tumango ako.

Nasundan ng katahimikan. Pinisil ko ang aking daliri dahil ngayon lang ako nakaramdam ng hiya sa katahimikan. Kung ano man ang dahilan ng paglapit niya sa akin, sana hindi 'yon masama.

"Ah..." tumingin siya sa hawak kong bola. "Binigyan mo ba siya ng pangalan? Anong pangalan niya?"

Ayokong sumagot.

"Gia?"

"Double-b." Inangat ko si double-b at nilapit sa mukha niya. Hindi ko mabasa ang emosyon sa kanyang mukha. Tumango siya at kalaunan ay tumawa.

"Wow, unique name!"

"Sa'yo? Anong pangalan ng sa'yo?"

"Neko." nakangiti niyang sagot. Tumango ako at wala ng maisip na sasabihin. Umiwas ako ng tingin at tumitig sa harap. Mamaya siguro, aalis na siya.

"Ahm...ano... Gia."

Nagkasalubong ang aking kilay. The hesitation on her voice made me curious. Muli akong tumingin sa kanya at nagtanong sa pamamagitan ng ekspresyon.

"S-Sorry nga pala kanina. Sobrang sama ng sinabi nila Mariana at Arya sa 'yo..."

Nanliit ang mga mata ko. "Sorry? Mariana or Arya ba ang pangalan mo?"

Bumakas ang pagtataka sa mukha niyang nang itanong ko 'yon. "Hindi?"

"E', bakit ka nagso-sorry? May kasalanan ka ba sa akin?"

Nanlaki ang mga mata niya at mabilis umiling. "I-I just want to say sorry on behalf of them. Alam mo naman... Hindi natin ang alam ang susunod na mangyayari. May challenge na magaganap tapos... May alitan sa section natin." Bumaba ang tingin niy sa huling sinabi.

Tumango ako.

Umayos siya ng upo at inalis sa ulo ang suot niyang cat ear headband. "Gusto kong magsorry para atleast hindi mo ramdam na ayaw namin sa 'yo. Hindi ko rin alam pero gusto ko rin patunayan kung may nagbago ba sa gusto kong baguhin sa sarili ko."

"What do you mean?"

"Noon kasi, palagi akong naniniwala sa tsimis. Kahit hindi proven na tama ang kumakalat ay naniniwala kaagad ako at pinagkakalat rin iyon sa iba. Pero gusto ko iyong baguhin. Dahil... Feel ko nasa tamang edad na ako para magmature," umayos siya ng upo. "Ayokong ang tadhana pa ang magbago sa akin."

Tumitig ako kay Stacy. If she did not say it, I never really thought she had that kind of attitude. 'Cause seeing her appearance or if we based on her appearance it's inappropriate to think she could do that. Tumango ako. But the question is, where is this statement going?

"So... Bago ako maniwala sa kumakalat na tsismis tungkol sa 'yo, gusto ko munang alamin kung tama ba ang sinasabi nila tungkol sa 'yo."

Kumunot ang noo ko. "May tsismis? Tungkol sa akin?" Kumabog ang puso ko sa kaba dahil doon.

Stacy's face filled with hesitation and nodded. "Yeah, they called you 'The Proud Gia'. For this reason na you always look so proud of your standing. It's like you don't feel insecure about who you are... Like that. And also, they thought that you think so highly of yourself na hindi mo kayang makinig sa opinyon ng iba. Are you... really like that, Gia? Nagsasabi ba sila ng totoo?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Proud GiaWhere stories live. Discover now