Chapter 4

128 13 0
                                    

++++

Deserve

Katatapos lang ng klase ko ngayong araw at uuwi na sana ako ng biglang magtext sa'kin si Ma'am Balgon, ang adviser namin sa student organization. Parte ako ng TRUBADORS sa school namin, ito 'yong tawag sa mga estudyanteng mahihilig sa instrumeto at kumanta. And I'm proudly say that I belong to them kasi sabi daw nila I can sing very well and I can also play some kind of guitar instruments.

Ngayon, habang papalapit ako sa room ng pagmemeetingan namin nakikita kong nagsisimula na sila sa pagdidiskusyon. Tumakbo na ako at nang sa pinto na ay nagulat ako ng biglang tawagin ni Ma'am 'yong pangalan ko.

"Miss Torres?" Napayuko ako sa sobrang kahihiyan. Gosh, it's embarrassing.

Napatingin ako sa paligid at tama nga ang hinala ko, tinginan silang lahat sa'kin.

"Sorry, I'm late."

Ang ilan ay napapailing nalang tapos 'yong iba nakangiti sa'kin. Iirap na sana ako ng makita ko si Kim, ang nag-iisang kaklase ko na kasali din sa Trubadors. Lumapit ako sa kanya at tumabi.

"Hey."

"You are late," bulong nito.

"Yeah, I know. Hinatid ko pa kasi si Clarrise."

Tumango ito at nakinig na sa sinasabi ni Ma'am. The whole time, nakatanga lang ako. Napapailing din minsan sa tuwing iniisip ko 'yong nangyari sa bahay noong isang araw.

Hindi ko pinapansin si Jarell. Ang landi niya at napaka-grr. Basta! Ayokong nakikita ang pagmumukha niya sa bahay. Kaya sa tuwing nagtatagpo ang landas namin ay agad akong umiiwas. Hindi niya rin naman ako pinapansin pa. The hell I care, right?

"So, sino sa inyo ang willing mag solo number?" tanong ni Ma'am sa lahat.

Medyo naguluhan ako sa sinabi nito. Ano bang meron at bakit kailangan naming magperform? May bisita ba? May dadating bang evaluators? Dagdag stress na naman ito.

"Walang may magvovolunteer?"

Napatingin ako sa lahat ng magtanong si Ma'am. Ni isang kamay walang may tumaas. Takot eh?

"Okay, walang may magvovolunteer then ako ang pipili."

I crossed my index finger and my middle finger. Sana hindi ako ang mapili sa solo number na 'yan. Tinatamad akong magperform at higit sa lahat wala akong time magpraktis kasi nga marami akong gagawin na mga paper works.

Tiningnan ko si Maam at 'yong tingin niya ay dito nakatuon sa pwesto ko. Napapikit ako ng mata nang ibuka niya ang kanyang bibig.

"Miss Montinola ikaw ang magsosolo number."

Fudge! Gano'n nalang kalalim ang pagpihit ko ng hininga nang marinig ko ang apelyedo ni Kim. Gusto kong tumalon sa sobrang saya dahil sa wakas hindi ako pinili ni Ma'am.

"Salamat Lord...salamat," mahinang bulong ko sa sarili ko.

Malaki na sana 'yong ngiti ko. Abot hanggang langit na sana ito kaso tinawag pa ni Ma'am ang apelyedo ko. Napangiwi ako.

"And you Miss Torres, you may take the song number together with Mr. Reijan Hermosa na ngayo'y wala dito. Inform him," pasigaw na wika ni Ma'am sa'kin.

Ang sayang naramdaman ko kanina ay biglang naglaho. I sighed. Akala ko makakatakas na ako sa ikaapat na taon ko dito sa kolehiyo. Iyon pala hindi pa, nakita pa talaga ni Ma'am ang pagmumukha ko.

"Are you listening Miss Torres?"

"Yes Ma'am," mahinang sagot ko dito.

Mabilis ring natapos ang meeting kaya maaga kaming nakauwi. Mag-isa lang akong naglalakad patungong hallway kasi halos lahat sila ay sa side gate dumaan at ako naman dito sa front gate. Wala ng gaanong tao kasi mag-gagabi narin.

Napahinto lang ako sa paglalakad ng makita ko si Jarell sa labas ng gate. Nakafaded jeans ito at naka t-shirt na sobrang hapit sa kanyang katawan. Kita ang kurba ng mga muscles niya sa braso kaya hindi ko mapigilang mainis.

'Yan ang rason kung bakit nagugustuhan siya ng mga babae. Dahil sa maganda niyang katawan plus sa gwapo niyang mukha. Pero aanhin mo naman ang lahat ng iyan kung playboy naman? It's useless. Hindi mapapakinabangan ng gobyerno! Kasi selfish sila. Sariling kaligayahan lang nila ang iniisip nila. Hindi nila iniisip iyong mga taong naaagrabyado ng mga ano nila. Lintik nilang mga alaga.

Napailing ako at iiba sana ng deriksiyon pero huli na dahil nakita niya na'ko at mabilis na tumungo sa gawi ko.

"Kanina pa kita hinihintay dito. Pinapasundo ka ni Tita," sabi niya.

"No need. Kaya kong umuwi mag-isa. I don't need a ride."

Kahit mamamatay na ako dito ay hinding-hindi ako hihinge ng tulong sa kanya na ipagdrive ako sa malapit na ospital. I hate everything about him kahit ang kadulo-duluhan ng kuko niya sa paa at hibla ng buhok niya.

Sinubukan niya akong hawakan pero umatras ako. I scoffed. Ang tigas talaga ng ulo niya noh? Hindi ba siya nakakaintindi?

"I will take a cab. Tell my mother that I can go home alone," malamig na tugon ko.

I don't want to see his face. At nakalimutan niya na ba iyong sinabi kong ayokong kinakausap niya ako?

"Don't be so stubborn Roiss!" he shouted.

Siya pa ngayon ang may ganang magalit? Samantalang ako itong hindi nirespeto because of his damn sexual desire. How dare him.

"Please, hop in, so we can go home now."

Imbes na sugutin siya pabalik ay pumara ako ng taxi. Pinigilan niya ako at hinawakan ang braso ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Napaso ako sa ginawa niyang iyon kaya tinabig ko ito.

"Don't touch me. Ayokong hinahawakan ako ng maruming kamay."

I heard him sighed in defeat. I hope he understands what I mean.

Sumakay ako ng taxi at padabog na isinara iyon. I left him dumbfounded and still. Hindi niya yata iniexpect ang sinabi ko.

Bakit totoo naman ah? I am just being honest here. Sobrang rumi ng kamay niya dahil ilang babae na ang hinaplusan no'n. Araw-araw ba naman ay iba-ibang babae ang nakikita ko sa bahay, sinong hindi maiinis at mandidiri doon?

Kung hindi siya nandidiri sa ginagawa niya pwes ibahin niya ako. I don't like him playing girls like that. Alam ko namang hindi niya mga girlfriends iyon. He is just playing around them by getting into their pants.

So I really didn't regret saying that words to Jarell because he deserves it. Para magtanda siya at para alam niyang mali ang ginagawa niya. He needs to learn his lesson. And that lesson is me.

.

.

.

#Vomment.

Its So Called COMPLICATED Donde viven las historias. Descúbrelo ahora