Chapter 20

47 3 0
                                    

+++++

Past

"Friends?" tanong nito sabay lahad ng kamay niya sa harapan ko. Nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko ba iyon o hindi kasi nahihiya ako.

Akmang itataas ko na ang kamay ko ng bigla nalang siyang lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at siya na mismo ang naglagay nito sa mga kamay niya.

"There...," he said.

Dali-dali kong kinuha ang kamay ko ng pisilin niya ito. He chuckled.

"Ang cute mo Roiss," he said. Nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya.

"Hindi ako cute! Hmp!"

He lean closer to me. Akala ko hahalikan niya ako pero bumulong lang pala ito. Buti nalang at hindi ko ipinikit ang aking mga mata. Kung sakaling ginawa ko iyon ay siguradong napahiya na'ko sa harapan niya.

"Ang cute mo. Kaya nga gusto kita eh," he whispered then chuckled.

Nanlaki iyong mata ko at bahagyang lumayo sa kanya. Ramdam ko ang sobrang init sa mukha ko kaya paniguradong namumula ang mga pisnge ko. Kinalma ko ang sarili bago bumaling sa kanyang muli. Nakangisi ito habang tutok na nakatingin sa kanyang guitara.

He started strumming, making me amused because he really knew how to played it. I thought he was just bluffing.

"With every appearance by you, blinding my eyes.
I can hardly remember the last time I felt like I do.
You're an angel disguised."

Napatingin ito sa'kin. He smiled. Hindi ko alam pero bigla nalang kumalabog yong dibdib ko. That smile.

"Anong kanta ang gusto mong ituro ko sa'yo?" sabi nito na hindi ko agad nakuha dahil sa pagngiti nito. Napakurap-kurap ako nang mapagtantong sobra ang pagtitig ko dito.

Napatikhim ako at nag-isip ng kantang gusto kong matutunan para sa crush ko. I blushed when I remembered the song we sang together in that bistro. I want to learn how to play that song.

"Just a kiss," I uttered out of nowhere.

Ngumite ako sabay tingin sa kanya. Bumusangot ang mukha nito at hindi ko alam kung bakit.

"Iba nalang! Hindi ko alam yon!"

Ngumuso ako. Ano ba'yan! Iyon pa naman ang gusto kong matutunan kasi nga iyon ang unang kantang kinanta namin ng crush ko.

I sighed.

"Sige ano nalang...ummm...that's the way I loved you?"

"Bakit mahal mo na ba? Crush mo palang diba?" masungit na tanong nito.

Kung sa bagay pero ano kasi...I bit my lower lip.

"Hindi ko alam kung ano. Ano ba pweding i suggest mo?"

"Wala."

Huh? Wala?

"Ano ba'yan! Uuwi na ngalang ako. Gabi na tapos wala ka naman palang kantang ituturo sa'kin!"

Akmang tatayo na sana ako ng pigilan niya ako at pinaupo muli sa tabi niya. Ibinigay niya sa'kin iyong guitara at pumwesto ito sa likuran ko. Bigla akong napipi at hindi agad nakapagsalita.

He started placing my hands in the strings. And he was the one strumming it.

"With every appearance by you, blinding my eyes
I can hardly remember the last time I felt like I do.
You're an angel disguised."

Ito iyong kinanta niya kanina. What's this song title anyway?

"And you're lying real still
but your heart beat is fast just like mine.
And the movie's long over
that's three that have passed, one more's fine."

Its So Called COMPLICATED Onde histórias criam vida. Descubra agora