Chapter 19

45 5 1
                                    

+++++

Until now

Hindi ko alam kung uuwi pa ba ako o titira nalang muna dito kina Clarisse. Oo nandito ako sa kanila ngayon dahil ayaw kong makita si Jarell! Damn! At ayaw ko ring pumasok dahil sa kahihiyang ginawa ko kay Vin! Gosh! Mababaliw na'ko!

"Please stop rolling on my bed Roiss! Para kang baliw diyan!"

Umingos ako at ginulo ang buhok ko. Napabuntong hininga ako ng ilang beses pero hindi parin mawala sa isipan ko ang mga nangyari! Napakafresh pa nito sa utak ko. Lahat. Lahat-lahat!

"Ah! Nakakainis!"

"Umuwi ka na nga! Kagabi ka pa dito ha!"

I rolled my eyes to her. Kahit kailan talaga ang harsh niya sa'kin!

"Kahit ngayon lang, pwedi bang dito muna tumira? Please?" pagmamakaawa ko kasi wala talaga akong mukhang ihaharap kay Jarell ngayon.

Hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong ginawa dito. I just—just run away from him, from them! Wala naman akong ginawang kahihiyan dito. It's just that, I don't want to face the truth? Of what he said to me? Natatakot ako kasi baka totoo at baka mahulog ulit ako? Gosh, Roiss! Asa kang bruha ka!

"Umuwi ka na! Ngayon, bukas o kahit sa makalawa, hindi magbabago ang lahat ng nangyari!"

Napatingin ako dito. Teka—may alam ba siya? Wala naman akong sinabi sa kanya ah?

"W-wha—."

"I saw what happened Roiss." She rolled her eyes before speaking again. "Hindi mo matatakasan si Sir Vin at lalong hindi mo matatakasan ang step-brother mo. Hindi ko man alam ang talagang nangyari pero hindi naman ako bobo para hindi mapagtugma-tugma lahat ng nakita ko kagabi at lalong hindi ako katulad mo na walang pakealam sa mundo!"

My jaw dropped. Nakita niya? What the hell!

"I hate you!" nasabi ko nalang. Alam niya pala pero man lang niya sinabi. Tapos ganito pa siya sa'kin! Hindi ba pweding tulungan niya ako?

She chuckled.

"Umuwi ka na!"

"Fine!"

Tumayo ako at parang gusto ko ulit bumalik sa kama nito. Ayaw ko pang umuwi pero wala akong choice kundi ang harapan siya!

Nagpaalam akong uuwi na at ng makarating sa tapat ng bahay ay naduduwag ako. Oo alam ko! Galit siya! Nanatili muna ako sa tapat ng gate ng ilang minuto. Nagmumuni-muni kasi nga hindi pa handang pumasok. Nagbabakasakali akong sana wala pa siya sa loob para makaderitso ako sa kwarto—shit! Sa kwarto niya!

"Ahhh! Nakakainis!"

Naku naman talaga!

"What are you doing there?"

"Ay kabayo!"

Napatalon ako sa gulat ng makita ko siya sa harapan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko siya, nagtatagis ang bagang. Nanginig ako sa takot pero kinalma ko ang sarili ko.

Its So Called COMPLICATED Where stories live. Discover now