Chapter 18

44 2 0
                                    

+++++

Author's Note: Guys please read Untold Story of an Introvert by MindWondereer

Thanks in Advance.

++++

Jealous

I received a message coming from my father. After all this years ngayon lang ulit siya nagparamdam. Oo nga naman, bakit pa siya magpapakita kung masaya na naman siya sa bago niyang pamilya? Why I hated the most is that he lied to me, he lied to my mother! Pinagmukha niya kaming tanga.

That's also the reason why I hated men. Hindi lang kasi isang beses nangyari. Dalawang beses! Kaya natuto na'ko.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Clarisse ng makitang aalis ako ng dressing room.

"Uuwi na."

"Agad-agad? Hindi pa tapos ang program ah?"

Nagkibit-balikat ako. Tapos na naman akong kumanta at saka isa pa wala naman kaming pasok ngayon. Gusto ko ng magpahinga. I'm so drained and I want to sleep.

"Eh andito pa iyong step-brother mo diba? Hindi ba kayo magsasabay?"

Umiling ako.

"May problema ba Roiss?"

I sighed.

Wala namang problema kaso iyon nga pinoproblema iyong mga bagay na hindi naman dapat problemahin. In short, mga maliliit na bagay na wala namang epekto sa iba kundi sa akin lang.

"Gusto ko lang umuwi."

"Sasamahan kita!"

Tapos narin naman itong magperform kaya walang problema kung sasama siya. Pero sa bahay lang naman ako eh.

"Sure ka? Sa bahay?"

Tumaas ang kilay nito at ngumise.

"Sinong may sabi sa'yo na sa bahay niyo tayo pupunta? You know, we can go out, hang out and go to the bar?"

Bar! Nice. Parang ang sarap pakinggan no'n. Wala namang pasok bukas kaya pwedi na siguro.

"Sure!"

Kaya napagpasyahan namin ni Clarisse na pumunta nga ng bar pero syempre hindi lang kaming dalawa ang lumabas kundi pati si Kim at ang pinsan nitong si Lovely ay nakisabay narin. Girls night out!

I smirked.

I missed socialising. I missed going here. Ang huling punta ko dito ay noong second year college ako tapos ngayon ulit. Thanks to Clarisse for bringing me here!

"Woah! Lets party girls!" sigaw ni Lovely. Natawa ako dahil sobrang hyper nito.

Tumayo kaming apat at pumunta sa dance floor. We danced like we own the platform. Napakawasted talaga naming sumayaw kahit na tag-iisang bote palang naman ng beer ang nauubos namin. Napailing ako at napaindak sa sayaw. We laughed, we shouted and we danced like there's tomorrow.

Habang tumatagal ay padami ng padami ang mga taong pumupunta sa harapan para sumayaw. The music is very wild at lahat ng tao nag-eenjoy. Muntik na akong matumba ng may sumagi sa aking babae na medyo lasing na. Hinayaan ko siya kasi alam ko namang hindi niya sinasadya. Sumayaw ulit ako at nakigaya sa mga kaibigan kong nagse-sexy dance na. Humalakhak ako. Gosh! I'm so wasted!

Its So Called COMPLICATED Where stories live. Discover now