Chapter 21

50 3 0
                                    

+++++

Give it a try

"Anong gusto mong pag-usapan natin?" panimulang saad ko.

Kanina pa kami nasa loob ng sasakyan niya pero hanggang ngayon hindi pa din nadudugtungan ang sinabi niya kanina. Akala ko ay mag-uusap kami kung saan pero mukhang dito niya balak na mag-usap kaming dalawa.

Wala akong ideya sa pag-uusapan naming dalawa because in the first place wala namang nangyari o ano na dapat naming pag-usapan.

"I like you and I want to court you," he said, straight to the point. Nakitaan ko ito ng kaba pero pagkatapos niyang sabihin iyon ay para siyang nabunutan ng tinik.

Siguro kung noon niya ito sinabi ay kikiligin na sana ako kaso hindi eh. Iba na kasi ang nararamdaman ko. Iba na ang laman nito. And I don't want to use him.

"I don't like you..."

"Ouch!"

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung nasaktan ba siya sa sinabi ko o ano kasi nakangiti parin ito.

"Truth hurts huh?"

Napailing ako. He's making it lightly para hindi maging awkward at seryoso ang pag-uusap naming dalawa. I smiled to him. Nice try huh? Pero hindi bagay sa kanya.

"May iba akong gusto," pag-amin ko.

"I know."

Pinaningkitan ko siya. Kilala niya?

"Pero pwedi namang magbago ang nararamdaman diba? If you just give me a chance to make you fall in love with me?"

"Really?"

Mukhang malabong mangyari iyon. Kung sana possibleng magbago ang nararamdaman sana noon pa diba? Sana noon ko pa nakalimutan ang lahat. Sana nagmahal ako ng iba. Pero hindi nangyari kasi hanggang ngayon siya parin. Siya parin ang laman nitong puso ko. Kaya impossible ang sinasabi niyang mapalitan niya ang taong iyon.

"Give me a chance. Just give it a try Roiss. Hindi kita pipilitin kung ayaw talaga. Just give me a chance? Please..."

But I don't want to use him. Ayokong maging masama sa kanya. Pero hindi naman masamang sumubok diba? Kahit natatakot, sige, susubukan ko. Sana lang talaga makalimutan ko siya. Pero...

"Let me help you to forget him, to forget the past and your love for him. I will be a better man for you Roiss...my Belle."

I smiled.

"Okay. Let's give it a try."

***

Pagdating sa school ay agad akong bumaba ng kanyang sasakyan. Hindi na'ko naghintay pang pagbuksan niya ako ng pinto. I say thank you to him bago naunang maglakad papasok ng gate.

Nakasunod lang siya sa likod ko pero hindi ito sumabay sa'kin dahil sinabihan ko. Baka ano na naman kasi ang isipin ng iba. Ayaw ko ng ganoon. Ayaw kong maging talk of the town. Naiinis ako kapag pinag-uusapan nila ako.

"Roiss...," he called my name kaya lumingon ako.

"Bakit?" My brows furrowed.

Napakamot ito sa kanyang batok kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na mapangiti sa inasta niya. Parang itong nahihiya na ewan.

So cute Arvin Jim Lopez. You have the charm when you're doing that huh? Hmm. Maybe...maybe you can replace him in my heart. Tutal ikaw naman ang una kong nagustuhan at hindi siya.

"Can I join you? Please? Just-just don't mind them."

Napatingin ako sa paligid ko at ngayon ko lang napansin na halos lahat ng mga estudyante na madadaanan namin ay nakatingin sa amin. Napailing ako. Mukhang hindi ko talaga maiwasan ang ganitong pangyayari. Kahit naiinis man sa mga tingin nila ay hinayaan ko nalang. Wala rin naman akong magagawa. I sighed. Hindi ko na naman siya professor, so baka okay naman? Bahala na.

"Okay!" I said.

Halos mapunit ang bibig nito sa kakangiti. Hindi ko alam na ganito pala kalaki ang epekto nito sa kanya. Para siyang babae, dinaig pa ako.

"Kinikilig ka na niyan?" I joked. Napatingin ito sa'kin kaya natawa ako.

"Hindi naman. I am just happy na hindi mo na ako iniiwasan," he said.

Ganoon ba ka bigdeal sa kanya iyon? Grabi naman ito. Ang haba ng hair ko kung ganoon. Dahil ang gwapong nilalang na ito sa tabi ko ay gusto ako. Noon crush ko lang siya ngayon, heto, nasa tabi ko na kaso sa kasamaang palad hindi naman siya ang gustong abutin ng puso ko. He's late. Super late.

"Ah," iyon lang ang sagot ko. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Its just that naubusan ako ng sasabihin.

"Bakit mo ako gusto?" I asked, out of the blue. I am just curious kung bakit niya ako nagustuhan. Hindi naman ako maganda. Simpleng babae lang naman ako.

"I don't know. No words can define my feelings for you." Umiinit ang pisnge ko sa sinabi niya. Shit! Ang awkward naman nitong topic na inopen ko.

Ang gaga mo Roiss! Ang lakas ng loob mong tanungin siya tapos ngayon para kang naputulan ng dila?! Walanghiya ka!

"Roiss!"

Thanks god! Buti nalang may tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako kay Kim at tama lang ang pagpasok niya sa eksena!

"Bakit?" I asked.

"Kayo na?" she teased.

Huh? May alam ba siya? Siguro, kasi close silang dalawa? Aish. Oo nga pala!

"Lah, hindi ah!"

Ngumise ito.

"Asus! Why so defensive?"

Defensive? Hindi naman ah! I am just stating the fact!

"Kim, huwag mong tuksuhin baka mahulog 'yan sa'kin."

I almost rolled my eyes to him. Seriously, may ganoon pala siyang nalalaman? Hindi bagay sa kanya!

"Pfft. Ang corny huh!"

Kim laughed out loud, making Vin blush in embarrassment. Nakitawa narin ako kasi sobrang pula ng mukha nito.

"Stop it. It's not funny."

Lalo kaming natawa ng nagseryoso na ito.

"Sige tuksuhin niyo pa'ko!"

Napailing ako. Pikon! Inakbayan ako ni Vin kaya tumaas ang kilay ko. Aba! Pumaparaan ah?

"Ooppss...dumadamoves ah?" Kim noticed it.

Siniko ko siya.

"Iyong kamay mo. Nananantsing!" I shouted, the reason why he laughed. Napangiti ako. Gago rin ang isang ito ah.

"Ang hirap palang dumiskarte sa'yo."

Aba syempre naman! Hindi ako easy to get no!

.

.

.

.

Ladymania.

Guys!! Vomment. Haha.

Palimos po. Chox.

Hehe. Salamat sa pagbabasa. Muah😙

Its So Called COMPLICATED Where stories live. Discover now