Chapter 9

85 3 0
                                    

+++++

Think of me

"Bakit ngayon ka lang?" bungad na tanong ni Jarell pagkaapak ko palang ng mga paa ko sa unang baitang ng hagdan. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa asta niya. Kailangan ko na palang magreport sa kanya? Parang hindi naman ako nainform doon.

"Kasi ngayon lang natapos 'yong praktis?"

"You should text—."

"Oh please Jarell stop it okay? Don't act as if we're okay!" sabi ko at padabog na umakyat sa taas.

Hindi niya kailangan umakto na parang concern siya kasi hindi bagay sa kanya! At ano, wala siyang babae ngayon? Himala naman yata? Simula noong nangyaring iyon, noong nahuli ko sila ng babae niya, doing that thing in the couch, ay hindi ko na siya muli pang nakitang nagdala ng babae dito sa bahay. Maganda iyon kasi kahit papaano ay hindi na'ko mababahala pa!

Talaga ba Roiss?

Napailing ako at humilata sa kama dahil sa sobrang pagod. I take a deep breath simultaneously sabay tingin sa orasan na nakasabit sa dingding, it's already 11:00 p.m. in the evening.

Sobrang gabi na pala. I should really take a rest now. Pero hindi pa ako naghahapunan at nag-iingay na iyong tiyan ko. Gosh! What should I do? I'm torn between resting and eating.

"Roiss."

I heard Jarell's voice outside my room. Napabalikwas ako sa aking hinihigaan at pinagbuksan ito ng pinto. Ano na naman ang kailangan niya?

"Bakit?" I asked immediately.

"Let's eat."

Napakunot 'yong noo ko at tiningnan siya ng maigi. Seriously? Anong oras na ah?

"Hindi ka pa nagd-dinner?" gulantang na tanong ko. For goodness sake, it's almost midnight! Hinintay ba niya ako? Asa ka Roiss!

"Not yet. I waited for you."

Hinintay niya ako! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nalaman ko! Hinintay niya talaga ako! At ano ngayon Roiss huh?!

"Halika na."

Umiling ako.

"Matutulog na'ko. Ikaw nalang—."

Okay, fine! Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang tumunog iyong tiyan ko. Mag-a-alibi pa ba ako eh halata namang gutom ako! Matutulog my ass! Eh ayaw mo lang makasama sa pagkain! And you should be happy Roiss because he waited for you. Atleast you have a food to eat and you will not be starving to death until you sleep!

Tahimik kaming kumakaing dalawa. He didn't talk to me and he just glanced at me from time to time. Naconscious lang ako nang mapansing tumagal ang mga titig niya sa'kin. Napayuko ako at napabuntong hininga ng ilang ulit bago iangat muli ang ulo at nagsimulang kumain.

Napasulyap ako sa gawi niya at laking gulat ko nang magtama ang paningin naming dalawa. Nakatitig parin pala ito sa'kin.

"B-bakit?"

Wala naman siguro akong amos diba? Eh bakit siya nakatingin sa akin?!

"Do you have a boyfriend?"

Muntik na akong mabulunan sa tanong niya, mabuti nalang ay nakainom agad ako ng tubig. Tiningnan ko siya ng maigi nang mahimasmasan ako. Baka kasi nabinge lang ako sa tanong niya at kung ano-anu na ang naririnig ko. Teka...

"Pardon?"

He sighed.

"D-Do you have a boyfriend now?"

So, tama nga 'yong narinig ko? I want to laugh. Seriously? Ano ngayon at bakit niya tinatanong? I cleared my throat as I looked at him.

"I don't have one and no plans to get one."

"I'm sorry."

Napahinto ako sa pagkain at padabog na binitawan ang tinidor at kutsara. Tiningnan ko siya ng masama. I scoffed.

"Please stop saying sorry. Nakakainis kasing pakinggan."

"Roiss..."

"Jarell please...kumain ka nalang."

Ayokong pag-usapan ang kung ano man ang binabalak niyang pag-uusapan naming dalawa. I want to forget it.

"Okay."

I ate the last food on my spoon as I speak to him again. "I'm done. Thanks for the dinner."

I wiped my mouth before leaving him in the dining and went to my room. Bigla akong nawalan ng gana dahil sa sorry niya. Gusto ko pa naman sanang kumuha pa ng kanin kaso huwag nalang. Ayoko ko siyang makausap at makaharap. What he said to me earlier, I'm tired hearing it again and again.

Kinabukasan ay maaga akong umalis ng bahay. Hindi pa sumisikat ang araw ay nasa school na'ko at nakatambay sa bench ng school. Tahimik akong nagbabasa ng libro ng bigla nalang sumulpot si Sir Arvin sa tabi ko.

"Shit!" I muttered a cursed kasi hindi ko alam na bigla nalang siyang susulpot. Imagine mag-isa kalang sa school tapos ay biglang may mang-iistorbo sa'yo. Diba? Hindi ka ba kakabahan no'n?

"Huwag mo nga akong gulatin Sir!"

Pakiramdam ko ay magkakaroon ako ng heart attack! Pwedi naman niyang tawagin ang pangalan ko habang papalapit siya hindi iyong bigla nalang siyang uupo sa tabi ko at manggugulat.

"Why are you so early?" he asked.

I almost rolled my eyes dahil sa tanong niya. Napabuntong hininga ako at isinarado ang librong hawak.

"Ayoko sa bahay."

Naiinis ako sa bahay. Lahat-lahat na. Hindi ko alam kung bakit pumayag pa ako kay Mama nang sabihin niyang doon ako titira kasama daw ang step-brother ko. Well I have no choice! Halos mag-away pa kami noon dahil sa kapipilit niya sa'kin pero sa huli ay napapayag niya rin ako ng sabihin niyang "I will cut off all your cards Roiss!"

So ano hihindi pa ba ako? Kung may aasahan lang sana akong iba maliban sa Mama ko ay ginawa ko na kaso wala! Kaya heto, tinitiis ko araw-araw ang pamamalagi ko sa pamamahay na iyon. Kung pwedi lang hindi umuwi ay ginawa ko na kaso papagalitan lang ako ni Mama at maging paranoid iyon sa kaiisip sa akin. Isa rin sa rason kung bakit gusto niya akong patirahin sa bahay na iyon dahil baka ano pa ang mangyari sa akin kapag mag-isa lang ako sa bahay. Mas mabuti na daw na may kasama akong lalaki. Okay naman sana kaso huwag lang siya. Huwag lang sana si Jarell Adverson!

Nakita kong tumaas ang kilay ni Sir Arvin at humamba sa bench habang nakadikwatro. He protruded his lips while thinking so deep.

"Problem?"

"You remembered my first love?"

Now he looks so attentive and turns his gaze to me.

"What about him?"

He is curious.

"Well, I want to forget him."

Naningkit ang mata nito sa sinabi ko. Bakit? Ayaw niyang maniwala? Iyon ang gusto kong gawin.

"Ahuh?"

Dinilaan nito ang labi habang tumatango-tango.

"Isa lang ang solusyon diyan."

Solusyon! Okay.

"What is it?"

He smirked.

"Don't think of him and think someone else."

Tumaas iyong kilay ko. At sino naman ang iisipin ko? At paano ko gagawin iyon?

"How?"

He smirked again and readied hisself to go.

"Think of me everyday. That's the solution!" sabi nito sabay tayo at nagpaalam sa aking aalis na. Nakatunganga lang ako at hindi makapaniwala. What? Think of him? Seriously?

.

.

Vomment

Its So Called COMPLICATED Donde viven las historias. Descúbrelo ahora