Chapter 8

99 4 0
                                    

+++++

First Love

Ngayon ko lang napatunayan na sadyang madaldal nga ang Professor namin. Salita siya ng salita tungkol sa pagiging Trubadors niya noon. Kung paano siya nag-audition bilang anak ng may-ari ng school at kung paano siya nakapasok.

Napapailing nalang ako. Somehow, may similarities din pala kami ni Sir. Iyon ay ang pagkanta at pagkahilig niya sa iba't ibang instrumento.

"When did you start playing guitar?" tanong nito na siyang nagpagulat sa'kin. Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon.

Should I answer him? You should Roiss. It's been years. I sighed before I speak. "When I was in high school. May nagturo sa'kin," sabi ko.

Naalala kong hirap akong tugtugin ang gitara. Gustong-gusto kong matutunan ang bagay na ito noon kahit na magkasugat-sugat man ang kamay ko ay wala akong paki. Naging pursigido ako noon na pag-aralan ito dahil sa crush ko. Yeah, my high school crush. I am still a normal teenager way back in high school. Pero tama ang sabi nila, crush ay isang paghanga lamang dahil hindi rin nagtagal ay sa iba rin pala ako mahuhulog.

"Sino?"

"Umm. My first love."

May bumarang anong bagay sa lalamunan ko para mahirapan ako sa paglunok ng aking laway. Napatingin ako sa dinadaanan ko while playing my hands.

Naalala ko na naman ang lahat. My first love and my first heartbreak. Hindi naging kami but I considered him as my first love. Akala ko gusto niya ako. Sobra ang pagkagusto ko sa kanya noong high school ako. Niligawan niya kasi ako kaya akala ko gusto niya rin ako pero malalaman ko nalang isang araw na may girlfriend na pala ito. Ang malala isa pa sa mga group of friends ko.

Hindi ko naman inaway ang kaibigan ko kasi wala naman itong alam. Hindi nila alam na nililigawan ako ng taong iyon. I am not vocal with my feelings. Hindi ko sinasabi sa kanila ang lahat.

While my friends were very happy, me, I was dying inside. Masakit dahil wala akong pweding mapagsabihan ng nararamdaman. Kinipkip ko lahat hanggang sa mabalitaan kong nagbreak sila.

Hindi ako naging masaya bagkos ay nagalit ako sa kanya. Pinaglaruan niya ang kaibigan ko at nalaman kong pati ako ay dinamay niya sa kalokohan nito. Nag-away away kami ng dahil sa kanya. Inaway ako ng mga kaibigan ko dahil akala nila totoong mang-aagaw ako. Hinayaan ko sila sa mga paratang nila dahil alam ko naman na hindi ko iyon ginawa.

Pero isang araw, sobra-sobra na ang ginagawa nila. Hindi ko na nakayanan ang mga salitang binabato nila sa'kin. I thought they're my friends? Bakit nila ginagawa ito sa'kin? Hinusgahan nila agad ako. Sana nagtanong sila diba? Hanggang sa napagdesisyunan kong lumipat ng paaralan at doon ko nakilala ang bestfriend ko ngayon na si Clarisse.

"Oh," he just said bago umupo sa bleachers. Nagpaalam ako bago dumiretso sa mga kasamahan ko na naghihintay sa'kin. Binaliwala ko ang lahat ng pinag-usapan namin ni Sir.

Nakipaghigh five ako sa mga kaclose ko at sa mga hindi naman ay ngumite lang ako. Hindi maiwasang hanapin ng mga mata ko si Reijan. Saan na naman kaya ang lalaking iyon? Habang nililibot ko ang paningin ko ay kinalabit ako ni Eya, friend ko na lower year na pinsan ni Kim.

"Ate Roiss, manonood si Sir?" tanong nito.

"Oo. Bakit?"

"Wala naman, ate. Pero p'wedi tayong magpaturo sa kanya baka sakaling manalo tayo," she said na ikinataas ng kilay ko.

Its So Called COMPLICATED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon