Chapter 22

49 3 0
                                    

++++

Sorry

Umuwi ako ng bahay para kumuha ng ilang damit. Konti lang kasi ang nadala ko at paulit-ulit nalang iyong mga sinusuot ko. Gusto sana akong samahan ni Clarisse pero sabi ko huwag na at kaya ko na. Kung sakaling makaharap ko man si Ryza ay bahala na. Kaya ko naman siya sigurong harapin at saka matagal narin naman iyong nangyari noon. Baka nga wala na iyon sa kanya at nakalimutan na lahat. Ako lang naman iyong hindi pa nakakalimot kasi hanggang ngayon nakakulong parin ako sa sakit na idinulot sa akin ni Jarell. Dagdagan mo pa iyong pagloloko ni Papa sa amin. Nagkapatong-patong lahat at ang hirap kalimutan.

Hindi naman ako pweding umiwas palagi kay Ryza sa tuwing uuwi ako sa bahay. Magtatagpo at magtatagpo ang landas naming dalawa lalo pa at nagsasama na sila ni Jarell. Iniisip ko palang na magkatabi sila sa pagtulog ay sumisikip na ang dibdib ko. Pero ano nga ba ang magagawa ko? I am just a girl who assumes that he likes me back then but the truth was, I'm one of those desperate girls who wants his love. Wala akong pinagkaiba sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya.

Maybe, I just need to accept everything and go on with my life. Maybe I should start moving on.

"Roiss? Roiss! Oh my gosh!"

Nagulat ako dahil si Ryza ang nagbukas ng pinto. I felt constipated when I saw her wide smile towards me. And she almost hug me in excitement buti nalang at umatras ako.

Ngayon lang kami nagkita face to face. She didn't saw me last time because she was cleaning the kitchen. Maswerte na ako noong araw na iyon pero ngayon parang sobrang malas ko naman para makaharap siya.

"Kamusta na?! Pasok ka! Jarell told me that you were her step-sister!"

Hilaw na ngumite ako at pumasok sa loob. Seriously, hindi ko kailangan ng pag-aya niya para pumasok ng bahay. At hindi niya kailangan maging ganito kabait sa akin kasi naiinis ako.

"I'm fine. Kukuha lang ako ng mga damit ko at aalis na din," I said without looking at her. I remained stoic and straightly headed to my room. Nakasunod lang siya sa'kin pero alam kong nararamdaman niyang hindi kami okay at hindi ako okay sa kanya. Hindi ko kailangan makipagplastikan because in the first place hindi ako ganoong tao. At saka hindi kami friends. We're not friends anymore.

"Uh...ummm. About years ago. I'm sorry for what happened. Pinapasabi pala ng mga friends natin noong high school kung pwedi ka daw bang makausap?"

I tilted my head in annoyance.

"Sorry, I'm busy. May pupuntahan pa kasi kami ng best friend ko," I emphasise the word best friend para alam niya lang na aside from them ay nagkaroon ako ng kaibigan, tunay na kaibigan specifically. Hindi tulad nila na agad bumitaw sa pagkakaibigan namin at bigla nalang akong hinusgahan.

I saw the bitterness in her smile. Yumuko ito at pinaglaruan ang kanyang mga kamay, hindi alam kung may sasabihin pa ba siya o wala na.

"M-maybe if you have time?"

"I have no time, sorry," agarang sagot ko bago pumasok sa loob ng kwarto at nilock iyon para hindi siya makapasok.

Masama na kung masama pero ayoko lang talagang makipagplastikan sa kanya. Nasaktan man siya sa ginawa ko ay wala na akong magagawa doon.

Kumuha ako ng iilang damit ko at nilagay sa bag na dala. Mabilis lang ang ginawa kong pagliligpit kasi ayokong manatili pa dito. At saka isa pa, may pupuntahan ako ngayon kasama si Vin. Yeah. We are going to have a dinner date later. Well, yeah. Susubukan kung magw-work ba. He's courting me and somehow, I like it.

Napangiti ako.

Napatalon ako sa gulat ng bigla nalang may kumatok sa kwarto. Sa sobrang gulat ay bigla akong kinabahan. Mabilis kong isinarado ang zipper ng bag at tinungo ang pinto. Bago ako lumabas ay bumuntong hininga muna ako ng malalim.

Okay, relax Roiss. Hindi ka pa mamatay!

"Yes?"

Biglang nawala ang emosyon sa aking mukha ng makita si Jarell at Ryza sa harapan ko. Bumaba ang paningin ko sa kamay nilang magkahawak kamay. At pag-angat ng tingin ay nakita ko kung paano sumulyap si Ryza kay Jarell. As if telling Jarell that she was guilty of something.

"Roiss..." si Ryza ang nagsalita.

"Umm...pwedi bang dito kana maghapunan?" nagbabakasakaling tanong nito.

Para ano? Para ipamukha sa akin lahat? No.

"I have a dinner date later," matapang na sagot ko sabay sulyap kay Jarell. Kita ko kung paano umigting ang panga nito at kung paano haplusin ni Ryza ang braso nito. Trying to calm him? For what? Ha! I want to laugh.

"With whom?" si Jarell ang nagtanong, matigas at naiinis.

"With Vin. So sorry, I am not available to eat dinner with you both."

Nilampasan ko silang dalawa at nagmadaling umalis pero nakakainis nga lang dahil may pumigil pa sa'kin. Akala ko si Jarell pero nagulat ako na si Ryza, nagmamakaawa ang mukha nito.

"What?"

"Kung galit ka man sa nangyari noon, sorry. We're very sorry Roiss. Sana mapatawad mo ako at ang mga kaibigan natin. Wala silang ala—."

Umusbong iyong galit na gustong-gusto kong pigilan para hindi ito masigawan o masumbatan ng husto. I cut her off.

"Exactly! Wala silang alam pero pinili nila akong saktan! Hindi nila inalam lahat bago ako husgahan ng kung ano-ano Ryza! I was bullied by my so called friends! Sinabihan ng kung ano-anong masasamang salita, sinaktan nila ako and they even said that they were just using me? You all used me for what? Para may taga-gawa kayo ng mga projects and assignments niyo? Funny!"

I sarcastically laughed at her. Now, she is saying sorry? Eh halos ikamatay ko lahat ng nangyari noon! I was depressed! Kung tatanggapin ko ang sorry niya, sorry nila, edi parang sinabi ko nalang din na gusto ko na talagang magpakamatay ng tuluyan!

"Sorry Roiss! Please kalimutan nalang natin ang lahat at magsimula ulit—."

I slapped her. Wow! Just wow! Did she just said kalimutan at magsimula ulit? Nakakatawa. Seriously? Para akong nabinge sa sinabi niya.

"Ryza!"

She cried. Dinaluhan siya ni Jarell at nakakainis dahil parang ako pa ang may kasalanan. The way Jarell looked at me, telling me to stop. But no, I won't stop.

"Huwag na huwag mong sasabihin sa'kin iyan Ryza! Kasi hindi ganoon kadali ang dinanas ko sa inyo noon!" sigaw ko bago sila tinalikuran.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisnge ko. Anong akala nila sa nangyari, laro-laro lang at kailangan kalimutan kasi mga bata pa kami noon?! No! Lahat kami ay nasa tamang pag-iisip na!

"Roiss!"

"Bitawan mo'ko Jarell!" sigaw ko ng pigilan niya ako.

Pinihit niya ako paharap sa kanya kaya nasampal ko ito. Sinampal ng paulit-ulit.

"I hate you! I hate you!"

"Roiss! Hush! Please baby..."

Niyakap niya ako. Pero hindi parin nagpatigil ang kamay kong hampasan siya. I hate him!

"Sshhhh. Hush."

"I hate you both!"

"I'm sorry baby..."

"Sorry, sorry! But you weren't sincerely sorry!" I yelled.

.

.

.

Ladymania

Its So Called COMPLICATED Where stories live. Discover now