Chapter 5

132 13 0
                                    

+++++

Hate

Nakakabinging ingay ang naririnig ko at parang may piyesta sa loob ng paaralang ito. Sanay na ako dahil ganito ang nangyayari kapag may bisitang dumadating sa school namin. This our way of welcoming the visitors.

May mga banner na nakalagay na, 'Welcome' at ang iba naman ay may bitbit na balloons na iba't iba ang kulay. Mula sa stage hangang sa bleachers ay kitang kita ko lahat ng mga estudyante na komportableng nakaupo. Halos lahat yata andito at himalang napuno ang auditorium. Ang iba nakatayo na at wala ng may mauupuan pa. Lahat mukhang excited at hindi ko alam kung bakit.

"Good morning everyone!" napukaw 'yong katawang lupa ko ng marinig ang boses ng Host.

Nagsimula na ring tumugtog 'yong Drum and Bugle Corps, signal na magsisimula na iyong programa. At ngayon palang kinakabahan na'ko dahil ibig sabihin lang no'n malapit na kaming magperform.

"Okay ka lang?" tanong ni Reijan, ang magiging partner ko ngayon sa song number na ito. He is my classmate too pero sa ibang mga subjects ngalang. Naging close rin kaming dalawa dahil kay Kim at dahil narin magkasama kami sa Trubadors.

"Hindi ba obvious na kinakabahan ako?"

Kasi alam mo na, nanginginig 'yong dalawang kamay ko. Kahit madalas akong magperform ay hindi parin nawawala ang kaba na nararamdaman ko. Siguro normal na talaga ito.

"Can I hold you hand?" he asked. I almost rolled my eyes. Himala at nagtanong siya at hindi na basta-basta gumagawa ng moves? Dakilang hokage din kasi ang lalaking ito.

Tinaas ko ang kamay ko kaya umingos ito.

"Babatukan mo na naman ako e," reklamo nito.

"Alam mo naman pala e bakit ka pa nagtatanong, alam mo namang ayoko?"

"Ang sensetive mo talaga, tatanda kang dalaga niyan!"

I just rolled my eyes to him at itinuon nalang 'yong paningin ko sa harapan ng stage.

I don't care kung tumandang dalaga man ako, wala akong pakialam doon. Basta ang akin lang ay huwag lang nila akong lalandiin. Alam ko namang mga paasa silang tao, 'yong tipong hulog na hulog ka na tapos iiwan ka lang pala nila at maghahanap ng iba.

"Roiss kayo na," rinig kong sabi ng organizer namin. Tiningnan ko si Reijan at hinigit siya palapit sa'kin.

"Ayusin natin ha," I said to him.
Tumango naman ito sabay kindat sa'kin. Napailing nalang ako bago pumunta sa harapan.

Ang daming tao at lahat nakatutok sa iyo. Hindi na naman bago sa akin ito kasi halos dalawang taon narin naman akong kumakanta at nagpeperform sa stage. Kinakabahan ako sa umpisa pero pagkalaunan ay nawawala na rin bigla.

"Ready?" tumango ako kay Reijan nang magtanong siya. I took a deep breath first before I sang the first line of the song.

This song...I smiled.

"Lyin' here with you so close to me
It's hard to fight these feelings when it feels so hard to breathe
Caught up in this moment
Caught up in your smile"

Pagkatapos ko ay napatingin ako kay Reijan hudyat na siya na ang kakanta. Napangiti ako. He really sang well. Hindi halata sa mukha niya dahil para itong mayabang pero sobrang may ibubuga ang boses niya.

"I've never opened up to anyone
So hard to hold back when i'm holding you in my arms
We don't need to rush this
Let's just take this slow."

Its So Called COMPLICATED Where stories live. Discover now