Chapter 14

63 4 0
                                    

+++++

Worried

Nakatihaya lang ako sa kama habang nakatingin sa kisame. Hindi ako makatulog dahil sa taong katabi ko. Gusto niyong malaman kung sino? Pangalanan nalang natin na Jarell Adverson. Urgh! Kanina ko pa tinatabig iyong kamay niya dahil panay ang lagay nito sa tiyan ko. Alam kong sinasadya niyang gawin iyon at nagpapanggap lang siyang tulog, well, I don't know kung talagang tulog ba siya o ano.

Wala akong choice kundi ang matulog sa tabi niya dahil ang kama ko ay dinispatch niya at ang mga gamit ko naman nilagay niya lahat sa bodega. Galit na galit ako ng malaman iyon at muntik ko pa siyang masuntok. Buti nalang at napigilan ko ang sarili ko at hinayaan nalang ang lahat imbes na intindihin ito dahil maiinis lang ako.

"Aish!" utal ko ng himasin nito ang tiyan ko.

Sa sobrang inis ko ay itinulak ko na siya dahilan para mahulog ito kama. The hell with him! Gising siya, alam ko! Nananantsing lang siya!

"The f-ck!"

Nakita ko ang matatalim nitong tingin habang nakakunot ang noo. Pero wala akong pakialam kasi kasalanan niya din naman kung bakit ko iyon ginawa.

"Damn, problema mo!?" sigaw nito.

Aba! Siya pa ang may ganang magalit samantalang ako itong pinagsasamantalahan niya?

"Ikaw ang problema ko kasi napakamanyak mo! How dare you touch my stomach, darv!" I shouted sabay tapon ng unan at comforter sa kanya. Wala ng manners-manners kung nakakapeste ang kaharap mo.

"What the hell!?" he frowned.

"Dyan ka sa baba matulog!"

He frowned.

"What?Kwarto ko to, kaya dito ka sa baba at ako d'yan!" sigaw nito sabay hila sa paa ko. Ay peste! May ugali palang ganito ang gagong ito? Ghad!

"Bitawan mo 'yong paa ko! Gago ka! Manyak! Manyak! Manyak!" sigaw ko. Haplusin ba naman iyong legs ko? Damn you Jarell Adverson! I really so hate you to death!

"Dito ka sa baba at tabi tayo," sabi nito. Napantig naman iyong tenga ko sa sinabi niya. Anong tabi kami?

"Lol, Asa! Ayoko!" sigaw ko sabay sipa sa kanya.

"Ouch...," daing niya. Napangisi ako.

"Nasaktan ka na niyan?" tukso ko. Tiningnan niya naman ako ng masama. Oh, as if I'm scared.

"You will really--really pay for this!" sigaw nito at padabog na lumabas ng kwarto. Tumawa ako ng malakas.

"Bring it on Adverson!" sigaw ko. And I know na narinig niya iyon. Sige lang mainis ka lang sa'kin!

I smirked!

At ngayon ay ako nalang mag-isa sa kwartong ito siguro naman ay makakatulog na'ko ng mabuti? His presence is making me uncomfortable. Tsk. I should avoid him. Ayokong malulong sa drogang ibinibigay nito sa akin dahil baka mabaliw lang ako at masiraan ng ulo.

****

Nagising ako dahil sa ilaw na tumatama sa mukha ko. Babangon na sana ako ng maramdaman kong may mabigat na anumang bagay na nakapatong sa tiyan ko. Tiningnan ko iyon at ganoon nalang nanlaki iyong mata ko.

Walang pagdadalawang isip na tinulak ko ito palayo sa akin pero mukhang napalakas yata at nahulog ito sa kama. Tiningnan ko siya sa sahig at napangiwi ako ng makita ang mukha niyang parang asong ulol na handa nang mangagat.

"Opps...," I said sabay takip sa bibig ko.

I didn't mean it. Nagulat lang ako kasi hindi ko naman inaasahan na may katabi pala ako. Akala ko kasi sa labas siya natulog. At sobrang himbing ng tulog ko para maramdaman ang presensya niya kagabi.

Its So Called COMPLICATED Where stories live. Discover now