Chapter 23

51 1 0
                                    

++++

Love

Kinuwento ko kay Clarisse ang nangyari and she was very happy of what I did to Ryza. Halos luhuran niya ako sa pagsampal ko daw dito.

"Kung ako iyon sinabunutan ko na! Ang kapal ng mukha niyang sabihin sa'yo yon! Naku! Nanggigigil ako sa babaeng iyon!"

Napailing ako. Siguro nga iyon ang mangyayari kung isinama ko pa siya. Good thing at hindi ko ito dinala.

"Buti nalang 'di kita sinama."

"Sana sinama mo'ko! Para naman matikman niya iyong matinding sabunot ko! Kulang pa iyon sa lahat ng nangyari sa'yo noh!"

She's right! Pero kaya ko naman ang sarili ko. At wala naman itong ginawang masama sa akin kaya okay lang. At least nasabi ko sa kanya lahat. Medyo gumaan iyong pakiramdam ko pagkatapos ng nangyari. At pakiramdam ko ay kailangan ko nalang silang kalimutan para hindi na ako masaktan ng ganito. I will forget but I will not start to make friends with them again. Natuto na ako at kontento na ako sa kung anong kaibigan na meron ako. I am so lucky that I met Clarisse. She's one of the most amazing people in my life.

I smiled to her.

"Kalma. Ang heart mo. Mas high blood ka pa sa'kin!"

She rolled her eyes as she changed the topic.

"By the way, kamusta kayo ni Sir Vin? Any progress?"

"Well, okay naman kami ni Vin. We're dating continuously."

I'm starting to like him but my heart is still locked. I hope Vin could find a duplicate key to open it again.

"Sana magtuloy-tuloy na. Sir Vin is a good man and a good son. I hope his the right person to make you happy again Roiss because you deserve better," nakangiting sabi nito pero may bakas rin na lungkot sa mga mata.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa. Nginitian ko siya.

"You deserve better too Clarisse."

She sighed.

Alam kong may dinadamdam siya ngayon. Maybe because of her boyfriend Jayson? Boyfriend nga ba? Hindi ko rin alam kung anong status nilang dalawa.

"Roiss, bakit gano'n? Lahat na ginawa ko para mahalin niya pero bakit kulang pa din?"

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. She's opening up to me. Kanina naiinis siya ngayon ang lungkot-lungkot na.

"Roiss bakit? Bakit?"

Inalo ko siya nang magsimula itong umiyak. Now it's my turn to listen to her problems. Parati nalang kasi ako ang nagsh-share sa kanya.

"Roiss..."

"Kasi hindi ka naman talaga niya mahal Clarisse. Even if you gave up everything to him...it's worthless, it's still not appreciated because he doesn't love nor like you. Because if he did, even the smallest thing you do, he will appreciates it."

"Pero sabi niya mahal niya ako."

Mahal? Madaling sabihin ang mga salitang iyan. Minsan din sinungaling ang bibig kumpara sa sinasabi ng puso.

"Hindi lahat ng sinasabi niya ay totoo Clarisse. Pero ipalagay na natin na mahal ka nga talaga niya at totoo ang mga sinabi niya. Bakit paulit-ulit ka niyang niloloko? Bakit paulit-ulit ka niyang pinapaasa sa mga pangako niyang ni kahit isa ay walang natupad? Ganoon ba dapat? Mahal ka niya pero kailangan ka niyang saktan? Para ano? Kasi gusto niya lang? Kasi trip niya lang? Hindi ganoon iyon Clarisse. Hindi dapat ganoon."

Its So Called COMPLICATED Where stories live. Discover now