CHAPTER 29: I'VE SEEN BETTER!

4.6K 53 14
                                    

What time is it??? It's 2PM time! Ahuhuhuhu! Iyak. Laslas. Concert ng 2PM ngayon! Sagabal ang studies sa fangirl life ko!! T______T

Dedicated to her kasi pinuno niya ang notifs/ news ko ng votes niya! :*

CHAPTER 29: I'VE SEEN BETTER!

Mia’s POV

Alam ko namang magaling ako.

Duh?

Eh kung pakikinggan ko pa nga lang yung nakakabinging palakpakan at hiyawan ng mga nakapanood sa “comeback” performance namin, kulang pa ang salitang “magaling” para i-describe ako.

Hahahaha!

Oooops. Teka lang!

Si Trent ko parating na sakin …

Nakakakilig talaga si Trent! As in! Lagi ngang napapabilis ni Trent yung tibok ng puso ko eh.

What would Trent do? I know na-impress siya with what I did, pero no clue pa rin ako kung anong gagawin niya sakin. I mean, he could give me a peck on the cheek, a delicious smack on the lips, a hot hug, a friendly hi-five-

“So you’re indeed back, Montemayor. What? Did you already change your mind and wanna join my gang?”

---

Third Person’s POV

“What the he-?!!”

Napatigil bigla sa paglalakad si Trent ng makita ang nangyayari.

Sanay na naman siya na maraming mga lalaki ang laging lumalapit kay Mia. Ngunit ang hindi siya sanay ay sa mga gangster na nais mangrecruit noon kay Mia. Tulad ngayon.

Alam niyang kayang kaya ni Mia yung gangster na iyon, pero hindi yung makakabawas sa pangamba niya para sa dalaga.

Subalit bago pa man niya mapuntahan at mailayo si Mia, may nauna na sa kanya.

---

Mia’s POV

“I said PUT. ME. DOWN!!”

What on earth is happening to me?? Wala na ba akong karapatang mamuhay ng matiwasay at walang halong kahihiyan????

Nakakahiya talaga!! In front of the whole cafeteria niya pa ako naisipang pahiyain!! Anong karapatan niya para buhatin ako??! Ano ako? SAKO???!

Buong cafeteria ang nakasaksi sa iskandalong ginawa ng di nag-iisip na lalaking to!! Errrrrr! Malamang, nasa mga social networking sites, gossip columns, at rumor bords na ang nangyaring to!!

Pinagpapadyak ko ang aking mga paa. Bahala siyang masaktan! Naka-high heels pa naman ako. Bwahahaha!! At syempre, para mas masaktan siya, pinaghahampas ko ang kanyang dibdib!!

Masakit kaya ako manghampas!

Ooooooops!

Mukhang nagbackfire ang plano ko!! =__________=

I never thought I’d missed touching his broad chest.

WHAAAAT???!

What the hell am I thinking?? Isang beses ko lang naman nahawak yung dibdib niya eh. Kaya imposible talagang mamiss ko iyon. >____>

Fine.

I admit na. K-Kahit na one time lang yun, nakakamiss talaga!

Actually, mas papable talaga yung dibdib niya kesa kay Trent eh.

Waaah! OMG, Trent! Ayaw kong magtaksil! T______T

“Teka, san mo ba talaga ako dadalhin??!”

Nandito kasi kami sa parking lot at binaba niya ako sa passenger seat. Sinuotan niya rin ako ng seatbelt kaya naman amoy na amoy ko kung gaano siya kabango. I honestly don’t know kung natural scent niya yun or pabango. Hindi kasi matapang yung amoy niya pero lalaking-lalaki. Hmm … Maybe it’s his natural scent …

Instant Boyfriend For Sale (A Gangster's Love) HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon