CHAPTER 36: LIGHTHOUSE

3.2K 46 7
                                    

A/N: Masingit lang po. Promote ko lang po yung isa kong story. MR. BAD BOY'S BRIDE (external link) yung title at rated spg siya. Haha! Sana basahin at subaybayan niyo rin yun! SALAMAT!!

CHAPTER 36: LIGHTHOUSE

Nathaniel’s POV

Wala si Mia. Hindi siya dumating. Ang sakit pala.

Hapon pa lang kanina nang mapansin ko na wala si Mia kaya hinanap ko agad siya. Nabasa kaya niya yung text ko kagabi?

Ang sabi ni Denise, kanina pa daw umalis sina Mia at Eris… kasama si Trent. Wala naman yun sakin. Alam kong karapatan ni Trent na makasama ang girlfriend niya. Pero … tangina lang! Nakakapangselos pala.

“Oh, tol! Bat bumangon ka?” Nag-aalalang tanong ni Joe. Pumasok kasi siya dito sa kwarto ko tas may hinahanap.

Gusto ko kasing makita si Mia. Iyan ang gusto kong sabihin. Gusto kong isagot na bumangon ako kasi gusto kong pareho kami ni Mia na mangangako dun sa pupuntahan namin. Gusto ko siyang dalhin doon at ipakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Na itong nararamdaman ko ay hindi isang biro.

Masakit pa rin yung ilang sugat na natamo ko dahil sa nangyari kagabi. Medyo napasabak ako nang biglang humugot ng twin broadswords yung kalaban ko. Wala na akong nagawa kundi depensahan ang sarili ko gamit ang aking mga kamay at ang tanging sandatang meron ako- ang baril ni Liam.

Kaya naman di nakapagtatakang sugatan ako. Nagpaiwan kasi ako mag-isa kagabi para puntahan nilang lahat si Mia. Mahirap na pag si Mia ang nasaktan. Hindi ko mapapayagang mangyari iyon.

At ngayon, nandito pa rin ako sa may lighthouse, nagbabakasakaling dumating si Mia kahit huli na. Kagabi, nais ko siyang dalhin dito para ipakita yung tinatag ng mga local dito na “the lover’s stairs”. Pero ngayon, nais ko na lang na makita siyang ligtas.

Instant Boyfriend For Sale (A Gangster's Love) HIATUSWhere stories live. Discover now