CHAPTER 2: HER INSTANT BOYFRIEND

8.9K 141 46
                                    

A/N: Ang bilis ng update ko today ah! I hope magustuhan niyo to!! :D Don't forget to tell me what you think ah! And kung nagustuhan niyo naman to, vote naman diyan oh! Hahaha!!

CHAPTER 2: HER INSTANT BOYFRIEND

“Are you really sure about this, Mia?” nag-aalalang tanong ni Denise sa akin.

Nandito kami ngayon sa loob ng convention center. Dito kasi gaganapin yung blind dating na sinalihan ko. Ito na yung pangatlong blind dating na sinalihan ko. And unfortunately, wala pa din akong makitang papasa sa taste ni Chase. Kailangan daw kasi makahanap ako ng guy na may hitsura, may dating, may ibubuga (ewan ko kung anong ibubuga ah), maayos sa paningin, at yung lalaking hindi ako mapapahiya pag pinakilala ko sa buong barkada. Yun ang standard niya!!! Parang ang hirap naman nun.

After two hours and a half, natapos din ang dating at lumabas na ako para salubungin ang best friend ko na matiyagang nag-iintay sa akin.

“So, what happened?” tanong niya, “May mga nakita ka bang pwedeng pumasa??”

“Yeah, kaso girl, ayaw nila akong maging girlfriend.” Malungkot na binalita ko sa kanya.

“THE HELL?! Ang kapal nila! Wala nga akong nakitang ni isang gwapo sa mga pumasok eh!”

I sighed.

“Hayaan mo na, Mia, makakahanap din tayo ng pwede mong maging boyfriend. Now cheer up girl! Tara! Starbucks tayo bago pumasok sa palasyong krystal (Crystal Palace)!!”

---

(Sa school)

Nasa locker ko ako ngayon, kinukuha ko ang books ko for my next subjects nang biglang may may tumulak sa akin kaya naman tumama ang noo ko sa bakal na pinto ng locker ko.

“Ouch! Anong problema mo, ha??!”

“YOU! You freaking maid! You’re my problem!! Bakit ba laging napupunta sa’yo ang mga pinakamagagandang spot pagdating sa lockers?!! Tsaka umalis ka na nga lagi sa tabi ng Crown Princes and Princesses!! Lalo na kay Kenji!! You’re an eyesore!”

I gripped tightly on her collar and moved my face forward, just inches from hers. “Wag mo akong bigyan ng rason para mapaalis ka dito sa Crystal Palace. Pumupuro ka na.” I threatened her with my low, cold and menacing voice which always work on my enemies when I’m involved in a fight.

At nag-work naman! Ayun, mga nagsitakbuhan papalayo siya at ang tatlo niya pang alipores na mga kasing-retokada niya! Bwisit talaga itong retokadang babaeng ito! Oh yeah, she’s Alicia Cruz, another Crown Princess ng CPEU, and a model. Siya at ang grupo niya ang laging nambubully sa akin dito. Walang araw na hindi nila ako binubully. Tinatapunan nila ako ng tubig, pinapatid, tinatago mga gamit ko, binabato ng kung anu-ano, at madami pang iba.

Kasalanan ko ba kung sa akin binibigay ang mga best na gamit dito? Duh?!! Bukod sa alam ng may-ari ng university na ito na ako ay isang Catellano-Montemayor (siya lang at ag 8 Riders lang ang nakakaalam niyan since lahat dito kilala ako bilang si Carmia Catellano), ako lang ang nag-iisang kaibigan dito ni Parker.

“Are you okay, Mia?” Mahinang tanong sa akin ni Parker. Siya lang ang nag-iisang friend ko dito, bukod sa gang. She’s not a nerd actually, pero naka-glasses siya since malabo ang mata niya dahil favorite niya ang magbasa ng books. Pero kahit na ganoon, nababansagan pa rin siyang “nerdy” dahil sa books na binabasa niya at sa eyeglasses niya, pero hindi naman siya binubully. Family kasi nila ang may-ari ng university na ito. Takot lang nila na awayin siya!

Instant Boyfriend For Sale (A Gangster's Love) HIATUSWhere stories live. Discover now