CHAPTER 13: BE SAFE

6.6K 82 19
                                    


Please read the A/N sa baba. May teaser po doon. :)


Mia on the side... Ganda talaga niya no? Pati din yung dress niya!  ---> 



CHAPTER 13: BE SAFE

Naglalakad ang binata nang may tumawag sa kanya mula sa likod.

“Nate~!”

“Oh, bakit Denise?” kalmadong tanong ng binata.

Ngunit, kung ano ang kinakalma ng binata, ay siyang kianabalisa ng dalaga.

Hindi mawari ni Nathaniel kung ano ang nangyayari sa kaibigan ng mapapangasawa.

Kung saan-saan lumilingon si Denise habang nagtatanong.

Halatang nagpapanic ito.

“Nasan na si Mia? Ikaw ba kasama niya ulit?? *palo sa braso* Ui!! Nasaan na ang kaibigan ko??? NASAN SI PRINSESA???! *palo ulit* *palo sa kabilang braso* Nasaan siya??! Sinama mo na naman ba??! Kanina pa kami naghahanap sa kanya kaya sabihin mo na kung kasama mo siya!”

Hindi mawari ng binata kung ano ang pinagsasabi ni Denise. Kaya nga siya pagala-gala ngayon sa parking lot ng Crystal Palace ay para hintayin ang mapapangasawa dahil may usapan sila nito na susunduin niya ito. Ngunit, mag-iisang oras na pero wala pa rin ang hinihintay kaya naman naisip niyang kasama nito ang mga kaibigan.

Hindi maiwasan ni Nathaniel na kabahan. Kung hindi siya mahanap ng mga kaibigan niya, dapat na talaga siyang kabahan.

Maraming maaaring mangyari sa isang walang kalaban-laban na babae, lalo pa’t isa itong Montemayor. Maraming posibilidad ang maaaring maganap.

Walang sabi-sabi, tumakbo ang binata patungo sa kanyang kotse.

Instant Boyfriend For Sale (A Gangster's Love) HIATUSWhere stories live. Discover now