CHAPTER 39: IS THIS GOOD ... OR BAD?

3.3K 64 10
                                    

ENJOOOOOOOY!

Look at the pics on the side --->

CHAPTER 39: IS THIS GOOD ... OR BAD?

Mia’s POV

“Mia! Nate! Please look here!”

“Glance this way, Mia!”

“Nate, isang ngiti naman!”

“Could you two please smile at each other?”

*Click. Click.*

*Flash. Flash.*

Biglang may malakas na feedback galing sa mike kaya naman for a moment, nagstop rin ang media sa pagkuha ng litrato namin ni Nate. Paglingon ko sa may gilid ng stage ay agad kong nakita si Solenn at Georgina na kapwa mga emcee ng party na ito at pareho kong kaibigan. Nagsalita rin sila sa mike na layuan na kami ng media since it’s already the start of the second part ng program.

“To formally star the second part of this party, can we please all raise our glasses for our dearest couple-  Carmia Montemayor and Nathaniel Araneta.”

Lahat naman ay nagsitaasan ng mga baso nila at nagsabi ng “cheers”.

I am not thrilled with this surprise engagement party. Sabina eh. Nang makabalik ako dito sa Montemayor Residence, alam ko nang may hindi ko gusto na mangyayari. At ni hindi ko man lang na-predict na ito pala yun.

Nakakainis! Kahapon lang, umalis ako sa resort para lang makalayo kay Nate at ngayon, nandito na ulit ako sa tabi niya.

8:00 pm nagsimula ang party na ito at wala akong kaalam-alam hanggang nung pumasok na ako sa loob ng party hall ng aming bahay at nakita ko si Nate na nasa stage at litong-lito.

Actually, akala ko tinawagan lang ako nila Solenn at Georgina para magshopping. Nung una ay ayaw kong pumayag pero dahil mapilit sila at nagtampu-tampuhan, napasama na ako. At ngayon, nandito kami ni Nate sa party na hinanda para sa amin bilang isang formally engaged couple na in a week ay ikakasal na.

Alas-dose na ng madaling araw at parehas kaming hindi nagpapansinan ni Nate simula pa kanina. Nandito lang kami sa isang sulok at nakaupo at tinitignanang mga sumasayaw sa dance floor. Alam niyang may problema kami pero hindi niya alam kung ano. Paano ko ba sasabihin sa kanya na ikakasal na siya sa babaeng isinumpa niyang papatayin?

Gusto kong ipaliwanag sa kanya ang lahat para hindi na siya naguguluhan. Alam kong sa likod ng pagkalito niya ay nasasaktan rin siya sa inaasal ko. Kahit naman ako ay nasasaktan din sa sitwasyon namin, at mas lalo pa akong nasasaktan kapag nakikita ko ang sakit sa kanyang mga mata.

Pero duwag ako. Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, naduwag ako. At ito ay dahil lamang kay Nate. Naduduwag akong sabihin sa kanya ang tunay kong pagkatao dahil baka sa oras na nalaman niyang ako si Scarlet Flames ay bigla na lang siyang mawala sa buhay ko.

Isipin ko pa lang na wala siya sa buhay ko, hindi ako makahinga at tumutulo na ang luha ko sa sobrang sakit. Ako na walang ibang kinakatakutan sa tanang buhay ko, ngayon ay halos mabaliw na sa takot na maaaring mawala siya sa akin. Duwag na kung duwag pero mukhang hindi ko yata kayang isugal ang anumang relasyon namin.

---

Nathaniel’s POV

Kanina pa kami dito ni Mia na nakaupo sa mga dulong mesa na medyo malayo sa iba naming mga bisita.

Alam mo yung nakakagago? Ito yun eh. Itong sitwasyon namin. Tangna naman! Ayos naman kami kagabi ah, pero bakit bigla siyang tumakbo palayo sakin??! At ang nakakagago lalo eh yung malaman kong wala na si Mia, Trent, at Eris pagbalik ko sa tinutuluyan namin. Tangna talaga! Ano bang kulang sakin?! Eh sa tingin ko nga mukhang pareho naman kami ng nararamdaman ni Mia!!

Instant Boyfriend For Sale (A Gangster's Love) HIATUSWhere stories live. Discover now