CHAPTER 6: ON ONE BED

7.8K 107 19
                                    

CHAPTER 6: ON ONE BED

Ang bilis naman lumipas ng panahon. Mag-wa-one month na kaming mag-“instant boyfie/girlfie” ni Nate bukas. He’ nice, easy to talk to, cool, and handsome! ^____^

Kaya naman I decided na mag-shopping ako! Hehe! Pumunta ako sa isa sa mga malls ni Mama. Anong connect? Well, mag-shashopping ako para makahanap naman ng regalo for him.

“Miss, ano po bang magandang iregalo sa boyfriend?” tinanong ko yung sales lady na lumapit sakin pagkapunta ko sa may men’s section.

“Marami po kayong pwedeng pagpilian, Ma’am Mia. Gusto niyo po ba iakyat ko na lang pos a VIP room yung mga pwede niyong pagpilian?”

“Umm, no thanks po. Magtitingin na lang po ako dito, tsaka mahihirapan pa kayo sa pagakyat at pagbaba ng mga gamit.” Sagot ko habang nakangiti, “Pero, if okay lang, pwede mo ba akong samahan maghanap? I honestly don’t know what to give to him.”

So ayun nga, after magpaalam ni ate Precy sa supervisor niya, sinamahan niya ako sa paglibot sa mall. Pinapakita niya sakin ang mga possible gifts for Nate. Marami ngang pwedeng bilhin- merong Tag Huer watch, may Ray Ban shades na alam kong magpapagwapo lalo sa kanya, may plain V-neck shirt, merong two pairs of Italian leather shoes, at madami pang iba.

“Pero Ma’am Mia, kung gusto niyo po talaga ng regalong mas maappreciate ng boyfriend niyo po, why don’t you try na kayo po mismo ang gagawa ng bagay na yun. Pwedeng cross stitch, teddy bear, scrapbook. O kaya pwede naman pong ipagluto or ipag-bake niyo siya.”

“Ate Precy, I think you’re right!! Hahaha!! Tsaka mukha namang meron na siya nung mga bagay na ‘to eh. Pero, I still need to find him a gift na pwedeng pang-back-up in case na palpak yung pagluto or pag-bake ko! Hindi naman po kasi ako marunong magluto or mag-bake eh.”

As soon as I said that, napako ang tingin ko sa isang bagay na nakasabit.

“Ate Pres, sa tingin mo ba cute ‘yun?” tanong ko kahit hindi ako nakatitig sa kanya, sabay turo sa bagay na yun.

“Ah … Cute naman po.”

“Pero??? I think may kasunond na ‘pero’ yung sinasabi mo.”

“Pero po kasi, may meaning po ang pagbigay nun eh.”

“Ano?”

“It means po, yung lalaking pagbibigyan niyo niyan ay parang sinasabihan mo na under siya sa’yo since sa leeg po yan tinatali diba?”

When I heard that, I can’t help laughing. “Tha…That’s the…per…fect… gift for…him!” I said between my laughter.

When I was done buying groceries and shopping (syempre, since nasa mall na din ako, why not shop for myself din diba?), I thanked ate Precy for accompanying me, and I gave her a cute dress na alam kong bagay sa kanya.

Nasa may VIP parking lot ako at pinaandar ko na ang sports car ko nang may madaan akong dalawang tao. Isang babae na sigurado akong si Nicole Vista, isang sikat na artista, at isang lalaki. Ewan ko pero may naramdaman akong sakit sa dibdib ko. Alam na alam ko yung ganoong hubog ng katawan. Kahit nakatalikod yung lalaki, alam kong siya yun. Ang buhok niya, mga kilos niya, ang pananamit niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yun.

At nang mapaharap yung lalaki sa may direksyon ko, napatunayan ko sa aking sarili na siya nga yun. Masakit makitang may ibang babae siyang kasama. Alam kong hindi dapat akong masaktan, pero wala eh. Damang-dama ko talaga yung sakit. Nakakaasar!! Hindi ko dapat nararamdaman to eh!

Sa sobra kong inis, asar, banas, galit, pagkamuhi- you name it, nagpasya akong pumunta muna sa bar. Hindi ko nga matandaan kung anong bar yung pinuntahan ko dahil sa sobrang pagkayamot.

Instant Boyfriend For Sale (A Gangster's Love) HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon