CHAPTER 7: CARMIA SHERRI MONTEMAYOR!!!

7.1K 101 23
                                    

A/N: Annyeong! Sorry ah. Late update na naman!! Tsk.tsk. Masyado lang kasi akong depressed and stressed these past few days. Hehehe!! Sorry! Hope you understand. >.<

CHAPTER 7: CARMIA SHERRI MONTEMAYOR!!!

(Narrator’s POV)

Umaga na.

Sina Mr. Henrardo Araneta at ang kanyang misis na si Precila ay naghahanda para sa paggising ng kanilang bisita. Importanteng tao kasi ito hindi lamang para sa mga negosyo nila kundi pati na rin sa kaligtasan ng kanilang gang. Ang gang nila ay hindi tulad ng mga street gang na madalas makalaban ng grupo ng kanilang anak na si Nathaniel. Ang gang nila ay mas malaki at mahahalintulad din ito sa Triads ng mga Tsino, sa Yakuza ng mga Hapon, at sa Mafia ng mga Italyano. Ganoon kalaki ang kanilang gang kaya naman lubha silang kinakatakutan ng iba pang mga gang dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

“Oh! Gising na ho pala kayo!” bati ng napakagandang si Mrs. Precila sa kanilang bisita, “Let’s go and eat breakfast.”

Kumain ang tatlo habang pinag-uusapan ang mga bagay-bagay. Mula sa kanilang mga negosyo hanggang sa kanilang mga anak.

“Sa tingin ko, cumpadre, natutulog pa ang anak ko. Gigisingin ko muna siya.” sambit ni Mr. Henrardo, “If you’ll excuse me, I’ll go and fetch him”

“Teka muna, Henry, sasama na ako.” *sabay tingin sa relo* “I don’t think I have much time left for me since I have a date with my wife and my daughter.” Masayang sinabi ng bisita.

Ngumiti si Mr. Henrardo pero sa loob-loob nito ay nahihiya siya. Nahihiya siya sapagkat binilinan niya ang kanyang anak na si Nathaniel na gumising ng umaga dahil may importante silang bisita. Ngunit sa halip na siya ay sundin, ito ngayon, tulog pa din ang kanyang anak.

Sa loob ng kwarto ni Nathaniel, mahimbing na natutulog ang dalawa at magkayakap pa. Lingid sa kanilang dalawa na may mga tao na sa labas ng kwarto na naghihintay para sa kanila. Ang mga katulong ay natatakot na para sa kanilang Young Master sapagkat alam nila na nahihiya na ang kanilang Master Henrardo sa nangyayari.

Maka-ilang ulit nang tinatawag ng kanyang ama si Nathaniel ngunit hindi pa rin ito magising. Pero maya-maya ay nadinig din nito ang pagkatok at pagtawag sa kanya ng kanyang ama.

Ngunit huli na ang lahat bago pa pumasok sa kanyang isipan ang ibinilin sa kanya ng ama tungkol sa bisita dahil pumasok na ang kanyang ama at ang bisita nito sa kanyang kwarto. Tinangka niyang itago si Carmia ngunit hindi niya alam kung papaano kaya naman itinago niya na lang ito sa ilalim ng kumot.

“Sino yang kasama mo?????!”

Hindi na napigilan ng kanyang ama ang magalit sa nakitang eksena sa kanyang harapan- ang kanyang anak ay walang barong pang-itaas at nakaupo sa kanyang kama at may katabing nakatalukbong sa kumot.

Nang sasagot na si Nathaniel, bigla namang gumalaw paharap kay Nathaniel si Carmia na siyang naging dahilan upang matanggal ang nakatakip na kumot sa mukha ng dalaga.

Hindi malaman ni Nathaniel ang kaniyang gagawin. Bakas sa mukha ng lahat ang pagkagulat. Nagulat ang lahat ng bigla na lamang sumigaw ang kanyang ama ng, “Sino yan, Nathaniel????!!”. Batid ng lahat na sobrang nagagalit na si Mr. Araneta dahil sa napahiya ito sa ipinaggagawa ng kanyang anak.

Subalit ang mas ikinagulat ng lahat ay ang biglang pamumula ng bisita at ang biglang pagsigaw nito. Bakas sa boses at hitsura nito na galit na galit ito.

---

(Nathaniel’s POV)

Hindi ko alam anong gagawin ko. Galit na galit si Dad. Pero, yung bisita niya, mas nakakatakot pa kay Dad. Hindi ko nga lang alam kung bakit mukha siyang galit na galit. Pero nagulat na lamang ako sa mga sumunod kong narinig.

Instant Boyfriend For Sale (A Gangster's Love) HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon