CHAPTER 5: DUMADAMOVES

8.1K 95 18
                                    


A/N: Helloooo! Sorry for not updating agad. Dami kasing dapat ayusing school stuff. Anyways, ayan na po ang update. Sana magustuhan niyo! Hahahaha!! Ibang characters naman ang highlight ng update na ito. Salamat pala sa mga nagbabasa nito!! :)

Dedicated to my sis, Mamimi. Hi sis!! :) :*



CHAPTER 5: DUMADAMOVES

(Mia’s POV)

Nang nagising ako, nasa bahay ako ulit nila Parker kaya naman tinanong ko siya kung panaginip lang ba na kasama ko buong magdamag si Nathaniel. Pero kinuwento niya, habang kinikilig, yung mga nangyari kung paano ako napunta doon.

Umuwi rin naman ako kaagad-agad para makapaghanda papuntang school. Nung 8:15 na, tapos na ako sa lahat-lahat ng kailangan kong gawin. Tatawagan ko na sana si Deng na pumunta na sa bahay namin nang may dalawa akong text na natanggap.

From: Deng BFF

Bakla, hindi muna ako sabay sayo. May bago akong car!! Test drive ko today! Mwwwaups. :* Ingats papuntang school!

 


At yung isa unknown number.

From: 0905*******

Lumabas ka na. Ang bagal mo! Baka ma-late ka pa.

Nagtaka naman ako kung sino yun.

Oh, well. Baka isa lang yun sa gang at ihahatid ako. Or baka naman si Deng yun. Baka isasabay niya ako.

Pero pagkalabas ko ng mansion, siya ang nakita ko.

O___________O

Paano niya nalamang dito ako nakatira??? At isa pa, bakit niya alam number ko?!

Bigla naman siyang ngumiti at binuksan yung pinto ng passenger seat.

“Pasok na. Ayaw ko namang ma-late ang girlfriend ko.” Sabi niya sabay kindat habang ako naman, ayun, nakanganga pa din sa kanya.

I mean, sinong hindi mapapanganga sa kanya??? Ang gwapo-gwapo niya today!!! KYAAAAAAHH !! Boyfriend ko ba talaga yan?? O___O

Buong magdamag ng byahe namin papuntang school, tahimik lang ako. Tapos, nung nagpark na siya, bigla siyang bumaba at pumunta sa side ko para pagbuksan ako ng pinto.

O___O

Narinig ko namang tumawa siya ng mahina. “Wag kang mag-alala. Ngayon lang to. Bukas hindi na kita pagbubuksan ng pinto ulit.”

Instant Boyfriend For Sale (A Gangster's Love) HIATUSOnde histórias criam vida. Descubra agora