CHAPTER 34: TWISTED VACATION

4K 61 11
                                    

Dedicated to HashLie dahil kahit nose bleed na daw siya sa English eh pinagpupuyatan niyang basahin ang IBFS. :"> Thank you!

CHAPTER 34: TWISTED VACATION

Mia’s POV

“Bakit nandito yang bubwit na yan??!!! At bakit ganyan yang mga suot niyo?!! May practice tayo! Duh?! Exactly next week na ang championship game niyo!!”

Auurgh. I can feel my blood boiling.

Over two weeks na rin kasi matapos yung mini concert nila Hunter sa gym. And of course, over two weeks na rin matapos yung confrontation scene nila Trent at Nate.

Actually, ang akala ko, I’m gonna be like the “Queen Slut” or something like that. Pero to my great shock, baliktad ang nangyari. Instead na kamuhian nila ako, guess what they did?? Kinaawan pa nila ako!! Ni hindi ko nga alam kung dapat ba akong matuwa or what eh. Kinakaawan nila ako dahil ang hirap nga daw ng sitwasyon ko. Imagine, choosing just one from two super hot boys. At lalo na kung yung two super hot boys na pagpipilian ay sina Trent at Nate.

Apparently, naaawa rin sila sa akin dahil alam nila yung nangyari sa amin ni Trent noon at alam din nila ang feeling ng arranged marriage since medyo common yun sa mga pamilya namin.

Wala namang nagbagong pakikitunguhan. In fact, may kanya-kanya pa ngang mga pustahan yung mga estudyante eh. At ang pasimuno? Walang iba kundi ang buong varsity team. Ang nagbago lang talaga ay sina Nate at Trent. Para silang …

Mga tanga.

Laging nagpapaligsahan para makuha yung atensyon ko. Oha, very mature diba? Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil at least, friends pa rin silang dalawa.

“Chill naman, Mia.” Natapos ang munti kong muni-muni nang magsalita si Denise.

“Oo nga. Wag mo namang sigawan yung boys, oh. Nananahimik sila eh. Tsaka bakit hindi mo alam yung outing natin ngayon? Ikaw lang ata ang may hindi alam, eh!” Sige, Camille, pagalitan mo pa ako. =___=

At ano na naman tong kalokohan ng mga ‘to? Outing? Championship na next week, aba.

“Ano naman yang outing na yan, ha?! At niyo pa ako sinasagot sa tanong ko! BAKIT NANDITO YANG BUBWIT NA YAN??!”

“Hey, amazon, I’m not bwub-weet no. I’m telling this to Mama!” Bubwit.

“Whatever, troll.” Sabi ko sa inglesherang bubwit na yun. And tumingin ako sa team, “EXPLAIN, NOW!”

“HB ka naman masyado, Coach! Ganito na talaga kami. A week before the championship, nagbabakasyon kami to regain energy. It’s already a tradition. Kumbaga, pamparelax sa players to.” Paliwanang ni Liam.

“HB?! Hindi ako heartbroken no! At ano yang tradition chu-chu na yan?! Walang ganyan sa calendar of activities niyo no!”

“Mia naman, HB. High blood.” Tom.

Oopsy. “O-Oh. Di niyo naman nilinaw.” >///<

Teka, bakit kulang pa rin mga tao dito? Ilan ba sila …

“Nasan na ang captains niyo?!!!”

*kruu* *kruu*

Lahat sila hindi kumibo.

“Blake! Tom! Chad! King! Mike! Vans! Joe! Hunter! ER! Jick! Liam! Bart! Uno! Nasan na ang captains niyo?!!! Pag hindi kayo sumagot. I’ll give you a hundred suicides before your practice, which also means na goodbye to your so-called vacations na! Answer me, ghadammit!!”

“Hoy, Mia, yung kapatid mo nandito! Ano ka ba naman?” Saway sa akin ni Denise sabay takip sa mga tenga ni bubwit.

Nagsmirk naman tong epal na bubwit na ‘to. “No bad words, Amazon.”

Instant Boyfriend For Sale (A Gangster's Love) HIATUSWhere stories live. Discover now